• Home
  • Fresh Scoops
  • Kaibigan pa din ni Ogie Diaz hanggang ngayon ang dalawang aktor.

Ogie Diaz ‘na-in love’ sa dalawang sikat na aktor noong 80’s

Kaibigan pa din ni Ogie Diaz hanggang ngayon ang dalawang aktor.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/04/2020 05:53 PM
Ogie Diaz ‘na-in love’ sa dalawang sikat na aktor noong 80’s

Hindi lang pala sa isa kundi sa dalawang sikat na lalaking artista during ‘90s “nabaliw” at na-inlvove ang komedyanteng actor, talent manager, at vlogger na si Ogie Diaz.

Ito ang bahagi ng kanyang rebelasyon na mapapanood sa inupload niyang vvlog sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Updates kasama si Mama Loi nitong September 30. Sa tagal na naming magkaibigan ni Ogie ay parang hindi pa niya naikuwento sa amin ang tungkol dito, huh!

Anyway, pinangalanan din ni komedyante kung sino ang dalawang aktor na minahal niya noon.


“Na-in love ako kay Romnick Sarmenta at saka kay Michael Locsin. Sila yung mga members ng That's Entertainment. Tuesday group si Michael Locsin at si Romnick naman ay Wednesday edition,” pagtatapat pa niya.

Nag-e-effort din daw siya noon na puntahan pa si Michael sa bahay nito sa Marikina na katulad din ng ginagawa niya kay Romnick. Sa kasamaang palad ay hindi raw naging sila pero nauwi naman daw sa magandang pagkakaibigan ang lahat.

Muling pag-amin ni Ogie, kahit asawa na niya si Georgette at meron na silang limang anak ay nag-date pa rin daw sila ni Michael.

Aniya, “Actually, dineyt ako ni Michael Locsin nitong may mga pamilya na kami. Nakakatuwa si Michael Locsin at si Mareng Charmaine Lagman (asawa ni Michael). Sobrang babait ng mag-asawa na yan.

“Tapos si Michael talaga, medyo tsumabi lang pero ang mukha ganu'n pa din. Tapos ang gaganda pa ng mga anak nila.”

Kuwento naman niya tungkol kay Romnick, “Si Romnick naman, one time, nag-guest kami pareho sa magkaibang episode kay Home Boy (Boy Abunda), ang sabi sa akin ni Romnick Sarmenta, ‘Parang kelan lang, no? Dati sunod ka lang nang sunod sa akin. Tapos ngayon, eto ka na. Mas sikat ka pa sa ‘kin. Hahaha!’”

Proud ding ibinahagi ni Ogie na alam nina Michael at Romnick na minahal niya ang mga ito.

“Hindi naman manhid ang mga yan. Bakit di nila maramdaman kung bakit ganito ka-OA si Ogie? Pero siyempre, walang nangyari,” tila may panghihinayang niyang reaksyon.

“Siyempre, hinahangad yon ng bawat bading, di ba? Pero walang nangyari. It's all friendship. Yon lang yon,” susog pa niya.

Natatawa ring ibinahagi ni Ogie na may isang aktor na niyaya siya noon na makipag-one night stand nung magkita sila sa isang bar.

“Merong isang actor na hanggang ngayon, eh, active pa din sa business na ito. One time, nandu'n kami sa bar. Eh, kilala mo ako, hindi ako umiinom ng beer. Hindi ako umiinom ng alak. Iced tea drinker lang ako dati.

“Alam naman nya (ng actor) na hindi ako umiinom. Ginigigil ako, eh, sabi niya sa akin, ‘Gie, payag akong one night stand with you.’ ‘Talaga?’ tanong niya raw sa aktor. “Oo,” sey naman daw nito.

Tinanong daw niya ito kung ano naman ang kondisyon. Ang sabi sa kanya, “Inumin mo lang itong buong San Mig Light.”

“Ikaw talaga, porke alam mong hindi ako umiinom, idi-dare mo ako para lang dyan,” wika raw niya sa aktor na sinagot siya ng, “Sige na. Ano? Deal?”

At dahil hindi nga umiinom ng alak si Ogie kaya hindi raw niya kinaya ang dare ng aktor. Pero nanghinayang din daw siya sa alok ng aktor pagka-alis niya sa bar.