• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto, naniniwala na positibo ang magiging resulta sa career niya sa paglipat sa Viva Artists Agency.

Julia Barretto game sa Girl Love project kung sina Liza Soberano, Jasmine Curtis, o Lovi Poe ang kapartner

Julia Barretto, naniniwala na positibo ang magiging resulta sa career niya sa paglipat sa Viva Artists Agency.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/04/2020 04:01 PM
Julia Barretto game sa Girl Love project kung sina Liza Soberano, Jasmine Curtis, o Lovi Poe ang kapartner
Photo Credit: @juliabarretto Instagram

Nagpahayag ng interes ang Viva star na si Julia Barretto na gusto niyang gumawa ng Girl Love (GL) digital series or pelikula kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Of course!” excited niyang pahayag sa virtual presscon ng Viva kamakailan.

Meron na rin daw siyang naiisip kung sinong aktres ang gusto niyang maging love interest o makasama sa ganitong klaseng proyekto. Ito raw ay ang Kapamilya star na si Liza Soberano.


“Well, siyempre I was very open about wanting to do something like that with Liza,” sambit pa niya.

Nagbigay din ng ibang pangalan si Julia just in case hindi pupuwede si Liza na ngayon ay naghahanda para sa pelikula nila ni Enrique Gil sa Star Cinema.

Ani Julia, “Kung hindi si Liza, siguro si Lovi Poe or Jasmine Curtis Smith.”

READ: Julia Barretto to Jay Sonza: ‘I can’t tolerate fake news anymore’

Naniniwala si Julia na positibo ang magiging resulta sa career niya ng ginawa niyang paglipat sa Viva Artists Agency.

I’m always looking at the brighter side of things. I’m so excited about this new milestone and times are changing and you know and it’s evolving,” lahad ng aktres.  “All of us as a person, we’ve all become more driven, more focused. Mas alam na natin yung gusto natin para sa sarili natin.

We just know now, I feel like we’re in time of our lives that we just know already what we want and what we want for ourselves. I do acknowledge the fact that it is a milestone. But it is a milestone that I’m really, really excited about. I have so much faith in this move and I’m only looking at the brighter side of things,” pananaw ng 23-year-old actress.

Sa tanong kung ano ang nakikita niya sa sarili after 10 years, ang sagot niya, “Well 10 years from now, I’ll probably have a family already. I’m 23. I’m really praying by the time I reach 33 I already having a family.”

Five years from now I’ve probably done remarkable projects, remarkable characters and as an actress that’s all we really just hope to tell wonderful remarkable stories,” pahayag pa niya.

Samantala, nilinaw din ni Julia na walang kinalaman ang mommy niyang si Marjorie Barretto sa desisyon niyang magpa-manage sa Viva.

“Si mommy naman… like every mother she’s always holding my hand through my journeys in life. Siyempre kung saan naman niya feeling din na magiging masaya ako at magiging okey ang takbo ng karera ko she’s very supportive and I’m also thankful for that.

“Palagi niyang sinasabi sa akin, matanda na ako, kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko, so ayun sinuport niya din ako at saka natuwa rin naman siya sa nasabing mga plano ng Viva para sa akin,” paliwanag ni Julia.