• Home
  • Fresh Scoops
  • Tatlong taon na ngayong miyembro ng Now United si Bailey May na unang gumawa ng pangalan sa Pinoy Big Brother 737.

Bailey May, inamin na may nagpapatibok na ng kaniyang puso ngayon

Tatlong taon na ngayong miyembro ng Now United si Bailey May na unang gumawa ng pangalan sa Pinoy Big Brother 737.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/04/2020 09:58 AM
Bailey May, inamin na may nagpapatibok na ng kaniyang puso ngayon
Photo credit: @baileymay IG

Kasunod ng kinasangkutan na insidente kamakailan sa England, muling nagkaroon ng pagkakataon na makumusta muli ang former Pinoy Big Brother housemate na si Bailey May na isa na ngayon sa mga aktibong miyembro ng global pop group na Now United.

READ: Bailey May robbed in England, assures fans he is fine

Sa ulat ng Cinema News Home Edition, nagbigay update ang former Pinoy Big Brother housemate na sa kaniyang buhay ngayon bilang isa sa mga miyembro ng Now United.


“Masaya naman po, we’re all pretty young, so madali lang naman to get along with them we have the same passion po, pag kanta, pagsayaw so madali lang naman po, we’re like a family. Pamilya po kami,” tugon ni Bailey sa panayam.

Aniya, kahit na nasa magkakaibang banda ngayon ang ilang miyembro ng Now United, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang training kahit na mayroong pandemya ngayon sa COVID-19.

Now United po, nasa Dubai po sila mga 5 sila doon, pero we’re still shooting for our YouTube channels in our home countries. Music videos, mga content lang, and then we sent to the editors sa LA,” kuwento pa ni Bailey.

“Yung training po, nagsisend po sila ng mga videos, and then we learned sa bahay lang from the video,” patuloy pa niya.

At sa loob ng tatlong taong miyembro ng Now United, binalikan ni Bailey ang isa sa mga most memorable performances niya kasama ang global pop group.

READ: Bailey May marks third year with Now United: 'The best 3 years of my life so far'

“Siguro ‘yung Olympics po sa Abu Dhabi, Olympics sobrang saya, kasi ang laki ng Olympics the whole world is on Olympics and it was so amazing kasi ang daming tao sa stadium. You know the royal family? They watched it and they hosted it,” sabi pa ni Bailey.

At kahit na three years nang away sa limelight ng showbiz dito sa Pilipinas, hindi pa rin nawawala sa isipan ni Bailey ang bumalik sa bansa kung saan una siyang gumawa ng pangalan.

“Siyempre po, I started sa Philippines. Without the Philippines I wouldn’t be where I am now and siyempre Pinoy ako. I’m Filipino, I represent the Philippines in Now United. So siyempre I’d love to come back and be in my country and share I what I have to everybody,” ani binata.

Speaking of pagbabalik sa Pilipinas, dito, isa rin sa napag-usapan ay ang kaniyang dating ka-tandem na si Ylona Garcia na naka-base naman ngayon sa Australia.

Ayon kay Bailey, hindi na sila nagkakaroon ng pagkakataon ni Ylona na muling makapag-usap dahil na rin sa kanilang mga busy schedules.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

HE’S BACK :))))

A post shared by ylona. (@ylonagarcia) on

“Parang ano, busy kaming dalawa sa buhay. I’m busy with Now United, she’s busy with her life so I think we should respect each other you know andon pa din ‘yung respect,” sabi pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#OneMusicPresentsTunogStarMagic W/ this guy ūü§ü proud of how far you’ve come! are y’all excited??

A post shared by ylona. (@ylonagarcia) on

Nagbigay reaksyon din si Bailey sa trending social media post ni Ylona kamakailan na patuloy ngayon ang pag-explore sa bagong journey ng career sa Australia.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

hey y’all, i decided to work at @mcdonaldsau :)) feel free to come thruuu && i’ll serve you xx

A post shared by ylona. (@ylonagarcia) on

I think she wants to try something different, and yeah. I respect every thing she does and I hope that she’s successful she does in the future and I also admire her humbleness. She’s a great person,” sabi pa ni Bailey.

At sa kaniyang pananatili sa England, hindi naman itinanggi ni Bailey na nakita na niya ang nagpapatibok ng kaniyang puso doon.

“Meron po, pero sikreto ‘yun.. “ masayang tugon niya.

At ng tanungin ng detalye sa kaniyang inspirasyon ito lang ang naging tugon niya sa panayam: “Maganda siya sa loob at siyempre sa labas,” pabiro niyang sabi.

Sa huli, nagbigay mensahe si Bailey sa patuloy na suporta ng kaniyang Filipino fans na hindi pa rin nakakalimot sa kaniya.

“Gusto ko lang sabihin na sobrang sobrang masaya ako na you guys are still supporting me kahit na wala ako sa Philippines, sobrang thankful ako sa inyo sa Pinas, I’m so thankful to you guys. You guys are so amazing and mahal ko kayo. Sobrang mahal ko kayo and mis ko kayo. Sana magkita sa kinabukasan,” pahayag pa niya.