• Home
  • Fresh Scoops
  • Tekla pinatawad agad ang dating ka-live in na inakusahan siya ng abuse.

Tekla pinatawad na ang dating live-in partner, nakiusap na huwag itong i-bash

Tekla pinatawad agad ang dating ka-live in na inakusahan siya ng abuse.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/30/2020 09:55 AM
Tekla pinatawad na ang dating live-in partner, nakiusap na huwag itong i-bash
Screenshot from Donekla in Tandem YouTube Channel

Nagpasalamat ang comedian/vlogger na si Tekla sa mga taong hindi nang-iwan sa kanya habang hinaharap ang pinakamalaking kontrobersiya sa buhay niya mula sa alegasyon ng live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.

Ayon kay Tekla sa kanyang Facebook post nitong October 28 ay pipilitin daw niyang bumangon at magsimula ulit.

“Salamat Panginoon Salamat DONITA mommy ROSE AT MGA KAIBIGAN KUNG HINDI AKO INIWANAN AT HANDANG IPAGTANGGOL AKO….


“Salamat sa lahat ng sumuporta at magtiwala hindi ko na kayo maisa-isang lahat… Pipilitin kung bumangon at magsimula,” sunud-sunod niyang post.

Hiningi rin ni Tekla ang pang-unawa ng netizens at nakiusap siya na sana raw ay huwag nang i-bash ang dating karelasyon. Pinatawad na raw niya si Michelle.

Lahad pa niya, “Nanaig na ang katutuhanan. Wag na nating husgahan at i-bash pa si Michelle at pamilya nila… Mas pinili ko ang forgiveness kay sa puot…”

Dugtong pa ng YouTube partner ni Donita Nose, “Natapos na ang unos at pagsubok let’s forget and forgive. PINATAWAD KO NA KAYONG LAHAT.”

Nagbigay din siya ng mensahe sa mga taong hinusgahan siya kaagad kahit hindi pa niya ibinibigay ang kanyang side.

“At sa lahat ng humusga pinatawad ko na kayong lahat dahil mas ikagagaan ng kalooban ko yun… Let’s pray at pagmamahal nalang poh ang magandang tulong para maghilum ang sugat na dinulot ng pagsubok na ito God Bless us all,” lahad pa niya.