Madam Auring, pumanaw na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Madam Auring, pumanaw na
Madam Auring, pumanaw na
PUSH TEAM
Published Oct 30, 2020 10:58 PM PHT

Sumakabilang-buhay na ang kilalang manghuhula na si Aurea S. Erfelo o mas kilala bilang Madam Auring.

Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Oktubre 30, inanunsyo ng apo ni Madam Auring na si Simon Pecson ang pagpanaw ng kanyang lola.

Bagama’t nakakaramdam ng lungkot dahil hindi na niya ito makakakuwentuhan, masaya naman umano siya na natapos na ang paghihirap nito.

“Grabe ang pinagdaanan mo during your senior years pero you still worked hard for your family (us) I feel sad and happy,” ani Simon.

“Sad kasi I will never see you again, mga wisdom words mo, korni jokes, happy bondings, and pagkurot sa aking pisngi hanggang mamula. Happy ako kasi you have done everything you could to make us feel loved the way you know how, your struggles are over. You fought your battles silently. Magkikita na kayo ni Mama sa kabilang buhay,” pagpapatuloy pa ni Simon.

Bagama’t hindi pa kinukumpirma ng pamilya ni Madam Auring ang dahilan ng kanyang pagpanaw, ibinahagi ng isa pa niyang apo sa isang Facebook post na na-ospital ito Marso nitong taon lamang.

Nakilala si Madam Auring dahil sa mga prediskyon niya sa mga malalaking pangyayari sa Pilipinas gaya ng pagpakapanalo ni Muhammad Ali laban kay Joe Frazier sa “Thrilla in Manila” noong 1975.

Sa larangan ng pulitika, tama din ang naging prediksyon niya na matatapos ni dating Pangulong Gloria Arroyo ng walang nagaganap na impeachment at ang hiwalayan nina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Shalani Soledad.

Maliban sa pagiging isang manhuhula, lumabas din si Madam Auring sa iba’t-ibang pelikula gaya ng Hinahanap-Hanap Kita, Bikini Open, at Manay Po 2: Overload.

Pumanaw si Madam Auring sa edad na 80.
Pumanaw si Madam Auring sa edad na 80.
Read More:
Madam Auring
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT