• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa October 3 ang first virtual performances para sa mga minamahal nating teachers.

Stars unite for Gabay Guro’s first-ever virtual Grand Gathering

Sa October 3 ang first virtual performances para sa mga minamahal nating teachers.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/03/2020 10:19 AM
Stars unite for Gabay Guro’s first-ever virtual Grand Gathering
Photo credit: Gabay Guro FB and IG Pages

Sa kabila ng pandemya ng COVID-19, tuloy na tuloy pa rin ang taunang pagbibigay pugay ng PLDT Smart foundation sa Gabay Guro na nagsimula noong 2007.

Tulad ng mga nakaraang taon ng Gabay Guro, nag-uumapaw na celebrity performers ang makikisaya sa pagbibigay pugay na ito para sa mga minamahal nating mga teachers.

Kasama sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Karylle, Martin Nievera, Piolo Pascual, Bea Alonzo, Ian Veneracion, Lani Misalucha, Jed Madela, Jaya, Jona, Dingdong Avanzado, Maymay Entrata, Edward Barbers, Kyla, KZ Tandingan, Sam Concepcion, Juris, Julie Anne San Jose, Mark Bautista, Joey G., Luke Mijares, Jinky Vidal, Klarisse, Ebe Dancel, Paolo Santos, Zephanie Dimaranan, TNT Boys, Nyoy Volante, Raimund Marasigan, Teddy Corpuz, Randy Santiago, Christian Bautista, Jugs Jugueta, Rayver and Rodjun Cruz, at Ella Cruz.  


Kasama rin sina Edu Manzano, Derek Ramsay, Pops Fernando, Iza Calzado, and Xian Lim na tatayong host ng programa.

Naniniwala naman si Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla na hindi hadlang ang pandemya para ihinto ang taunang celebration for teachers.

“Our teachers are the pillars of education. Amid the new normal, they pave the way for our children to have the best learning opportunities. It is through our Grand Gathering that we pay homage to the important role they play in transforming the lives of the next generation,” aniya pa sa panayam.

Malaking hamon man ang naging krisis ng pandemya, hindi naisip ng Gabay Guro founder na ihinto ang taunang gathering sa tulong ng digital platform.

“It’s sometimes stressful kasi walang boundaries pag work from home e’ so we call each other, we message each other ng mga staff kahit early in the morning, but you know, we do this for the love of our teachers, para bang it’s God’s mission for us. We take all the stress with love,” pahayag pa niya sa naganap na digital conference.

Kasama rin si Songbird Regine Velasquez na si isa sa mga suking performers taun-taon ng Gabay Guro. Aniya, “Tradisyon” na para sa kaniya ang pagbibigay pugay sa mga teacher na nag-eenjoy sa annual gathering ng PLDT smart.

“Ilang years na ba ako, I think since it started. I sang the theme song ng Gabay Guro and it’s an honor for me to be the one to sing that song for our beloved teachers,” ani Regine sa digital conference ng Gabay Guro.

Patuloy pa niya: “Every year lagi akong kasama sa mga pa show, sa MOA Arena, every year yan, so parang, naging tradisyon na sa akin. Like Pops Said, I am proud to be part of this endeavor. Kasi we are giving happiness to the teachers.”

Ayon pa kay Regine, ito na rin para sa kaniya ang maliit niyang paraan para bigyang pugay ang mga guro na gumabay rin noon sa kaniya.

“A lot of times, hindi na natin na-no-notice kung ano talaga ang ginagawa nila for us. Like ako, nakalimutan ko na (laughs) and I’m sure, marami sa atin na kinalimutan na rin ‘yung part na ‘yun ng life kasi mayroon na tayong bagong hinaharap. So it’s good that Gabay Guro reminds us to be reminded that there’s such wonderful things was given to us by our beloved teachers,”pahayag ni songbird.

Ngayong Sabado, October 3, at 3 PM mapapanood ng libre sa Facebook at YouTube page ng Gabay Guro ang libreng concert at entertainment top performing artists.

Bukod sa libreng performances, maari rin manalo ng cash prizes at tulong ang mga guro sa pamamagitan ng pag download ng Gabay Guro mobile app na available na sa Android at iOS.