• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapatid ni Isabel Rivas ang ama ni Michele Gumabao na si Dennis Roldan.

Isabel Rivas, proud tita kay Michele Gumabao

Kapatid ni Isabel Rivas ang ama ni Michele Gumabao na si Dennis Roldan.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/28/2020 09:29 AM
Isabel Rivas, proud tita kay Michele Gumabao
Photo Credit: @isabelrivasfarmgirl and @gumabaomichele Instagram

Hindi man nasungkit ang korona, umapaw naman ang pagmamahal mula sa kanyang mga Kapamilya ang natanggap ni Miss Universe Philippines finalist Michele Imperial Gumabao.

Si Gumabao ay itinanghal na second runner up sa naganap na Miss Universe Philippines nitong Linggo, October 25 sa Baguio Country Club.

READ: Iloilo’s Rabiya Mateo crowned Miss Universe Philippines 2020


Sa isang Facebook post ng tiyahin ni Michele na si Isabel Rivas, ibinahagi nito ang pagmamalaki sa pamangkin kasunod ng pagkabigo nitong maging kinatawan sa Miss Universe pageant.

Photo credits to @isabelrivasfarmgirl Instagram

“Friends: Our Michele Imperial Gumabao may have not won, but in our hearts Michele you are our queen!” sabi pa ni Isabel sa post.

Bilang tiyahin na nakita ang pagsusumikap ng kanyang pamangkin, proud ang veteran actress sa narating ni Michele sa tinahak nito sa kompetisyon.

“Our respect of your faith, hard work, perseverance, sincerity beauty, passion, kindness & discipline will take you to higher achievements from here onwards.”

READ: ‘I can handle defeat': Michele Gumabao airs her side, expresses gratitude to supporters

Proud tita rin si Isabel sa pagsabak sa “risk” ni Michele sa kompetisyon na sinabayan rin ng laban ng mundo sa COVID-19.

“This experience will be your fuel to take more risks and success in the coming days!! Kudos to a beautiful woman!!” pahayag pa niya.

READ: ‘We’re just getting started’: Marco Gumabao pens message for sister Michele after Miss Universe Philippines results

Ang Miss Universe Philippines ay ang pangalawang beauty pageant na sinalihan ni Michelle. 

Taong 2018 ng koronahan siya bilang Binibining Pilipinas Globe bilang kinatawan ng bansa sa Miss Globe beauty pageant kung saan kinilala siya bilang Miss Social Media Dream Girl at nagtapos sa Top 15 placement.