• Home
  • Fresh Scoops
  • Manila Symphony Orchestra to highlight three decades of OPM for concert to benefit online schooling for poor communities.

EXCLUSIVE: Manila Symphony Orchestra reveals three iconic OPM songs for charity show

Manila Symphony Orchestra to highlight three decades of OPM for concert to benefit online schooling for poor communities.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/28/2020 11:40 AM
EXCLUSIVE: Manila Symphony Orchestra reveals three iconic OPM songs for charity show
Photo Credit to Manila Symphony Orchestra

Exclusive natin nakausap sa virtual media conference para sa kanilang online concert si Jeffrey Solares, ang Executive Director ng Manila Symphony Orchestra na busy na ngayon sa paghahanda ng nalalapit nilang online concert na Rush Hour Series  kung saan itatampok ang highlights ng tatlong dekada ng Original Pilipino Music o OPM. 

Hindi naging biro para sa grupo ang pumiling immortal OPM songs na isasama sa repertoire ng kanilang palabas dahil hindi nga naman mabibilang ang magagandang kanta sa nagdaang tatlong dekada sa musikang pinoy.

“For the first question, as discussed via Viber message, we are sharing three (3) song titles, and these are: The MSO will be performing ‘Limang Dipang Tao’, ‘Sana’y Wala Nang Wakas’, and ‘Ang HUling El Bimbo’, to name a few.” kwento ni Solares.


Dahil na rin sa malawak na experience ng orchestra sa musika, simple ang kanilang naging batayan para sa mga ito at mapasama sa listahan.

“We chose these pieces because they are familiar to people, they have quality arrangements, and have meaningful message for the present situation,” sabi ni Solares.

Sa pakikipag tulungan ng Ayala Museum at ng Avida na nagse-celebrate ng kanilang ika-30th na taon, mapupunta sa charity ang kita ng nasabing concert kung saan mga kabataan ang makikinabang. 

“The beneficiaries of Ayala Foundation’s Student Online Access Program include their scholars aged 5 to 21 who come from the most disadvantaged families in Tondo, Batangas, and MIMAROPA. Majority of them have limited access to digital tools and the internet, with 80% resorting to prepaid connectivity for their online schooling.” dagdag pa ni Solares. 

Magaganap ang The Rush Hour Concert sa October 30, 6pm at mapapanood sa official facebook page ng Ayala Museum at mabibili naman ang tickets sa Ticketworld.