• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-react si Cavite Gov. Remulla matapos i-red tag si Angel at iba pang personalidad gaya nina Liza Soberano at Catriona Gray ng isang opisyal ng militar.

Angel Locsin, pinasalamatan si Gov. Jonvic Remulla sa pagpuna kay Parlade

Nag-react si Cavite Gov. Remulla matapos i-red tag si Angel at iba pang personalidad gaya nina Liza Soberano at Catriona Gray ng isang opisyal ng militar.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/28/2020 03:56 PM
Angel Locsin, pinasalamatan si Gov. Jonvic Remulla sa pagpuna kay Parlade
Photo Credit: @therealangellocsin and @jonvicremulla Instagram

Lubos ang pasasalamat ng aktres na si Angel Locsin kay Jonvic Remulla matapos maglabas ang Cavite Governor ng pahayag tungkol sa isinagawang red-tagging ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Angel ang video ng panayam ni Parlade sa programa ni Karen Davila na Headstart sa ABS-CBN News Channel (ANC) kung saan inihayag ng opisyal ng militar ang kanyang inis sa gobernardor ng Cavite. 

READ: Angel Locsin denies military official’s claim of sister’s part in NPA attack in Polilio, presents ‘evidence’


“O, badtrip di ba? Apir,” reaksyon ni Angel sa panayam ni Parlade kay Karen Davila. 

Pinasalamatan ni Angel si Jonvic at sinabing: “Thank you for giving him a dose of his own medicine.” 

“You are most welcome, Madam,” saad ni Jonvic sa post ni Angel. 

 

 

Inilahad ni Jonvic sa isang Facebook post nitong Lunes ang kanyang pagkabahala sa ginagawang red-tagging ng mga opisyal ng gobyerno partikular na ang mga nasa Sandatahang Lakas ng Republika ng Pilipinas. 

Bukod sa pananakot ay ni-red tag pa bilang “Communist Supporters” o sympathizers ang mga prominenteng personalidad tulad nina Angel Locsin, Liza Soberano at Catriona Gray,” ani Jonvic. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#NoToRedTagging #YesToRedLipstick 😅 To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group 😅. Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group. We live in a country where our freedom to speak and express ourselves are enshrined and protected by the Constitution. May paniniwala ako, may paniniwala sila, may paniniwala ka. At sa ilalim ng Consitution, pareho tayong mayroong karapatan sa ating mga sariling paniniwala. Kung mag kaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i-red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako "red". Magkaiba lang tayo ng paniniwala. Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging. The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger. Nakakalungkot po isipin na dito napupunta ang malaking halaga na 19.3B, sa mga paratang na walang basehan at pananakot na red tagging. Sana ibigay na lang po sa ibang departamento ng AFP katulad ng medical reserve corps o pagtaas ng sweldo at pension ng mga sundalo natin. Malaking tulong rin po for purchasing vaccines or other covid response programs. Many of our country men need financial assistance. Mga OFW na nawalan ng trabaho. Madaming mas nangangailangan ng pera ngayon. Sana doon na lang ilaan at sana doon ibuhos ang oras. I am also appealing to everyone to express support for those being red-tagged like Liza Soberano, Catriona Grey, and all the others just because they are expressing their beliefs peacefully By being vocal about my opinions and advocacies, I have always been attacked. Those I could ignore but this is a different level altogether. And so I have to speak up once again because this baseless and reckless red-tagging jeopardizes not only my safety, but also the safety of my sister and our family. 💋

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

 

Dagdag pa niya: “Kahit si Isko Moreno Domagoso ay dinamay na rin. Noong sabado naman (October 24), nagkaroon ng red tagging incident sa loob ng aming lalawigan mismo, na nangyari sa isang webinar ng Cavite State University - Main Campus.” 

Nilampaso din ni Jonvic si Parlade na aniya’y dapat mahiya sa kanyang ginagawa lalo na sa mga progresibong kababaihan. 

READ: ‘Tigilan na’: Angel Locsin speaks up amid red-tagging of family

“Lieutenant General Antonio Parlade Jr. should be ashamed of himself,” ani Parlade. 

“Threatening progressive and outspoken WOMEN who want to encourage a stronger feminist culture? That does NOT make them co-conspirators nor allies of the left wing,” patuloy pa niya.

“Ok ka lang, Parlade? Your train of thought and reasoning are preposterous and shifty.”

READ: Eugene Domingo, Agot Isidro wear red lipstick to support Angel, Liza, Catriona amid red-tagging, threats

Hamon ni Jonvic kay Parlade: “If you want to threaten the lives of public personalities, may I suggest that you try knocking out someone on the same weight class?”

Binalaan naman ni Jonvic si Parlade na huwag na nilang subukan pang maglagay ng mga poster o tarpaulin sa probinsya ng Cavite. 

“Let me assure you that if you or any of your men put up similar posters or tarpaulins in the Province of Cavite, they will NOT last a day,” ani Jonvic. 

Tingnan ang post ni Jonvic sa ibaba: 

Una nang pinabulaanan ni Angel ang mga ibinibintang sa kanya. 

Nagpahayag naman ng suporta ang maraming artista kay Angel sa pamamagitan ng paglalagay ng pulang lipstick.