• Home
  • Fresh Scoops
  • Viral sa social media ang komento ng isang fan ni Moira dela Torre sa music video ng kanyang bagong awitin na “Paubaya.”

‘You are not alone’: sabi ni Moira dela Torre sa fan na naka-relate sa kanyang bagong awitin na ‘Paubaya’

Viral sa social media ang komento ng isang fan ni Moira dela Torre sa music video ng kanyang bagong awitin na “Paubaya.”

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/27/2020 01:04 PM
‘You are not alone’: sabi ni Moira dela Torre sa fan na naka-relate sa kanyang bagong awitin na ‘Paubaya’
Photo Credit: @moirarachelle Instagram

Viral sa social media ang komento ng isang fan ni Moira dela Torre sa music video ng kanyang bagong awitin na "Paubaya."

Ayon sa nasabing fan na may username na "Sachi," naka-relate siya sa kanta ni Moira dahil minsan na rin siyang nagpaubaya. Kwento niya, pitong taon na silang magkarelasyon ng kanyang nobyo nang makabuntis ito ng ibang babae.

"It was a stupid one night stand after a guys night out," kwento ni "Sachi."


"He's very sentimental when it comes to family because he grew up without a dad. So when he learned that he knocked up a random girl at a bar, he went away for a few days alone to think," patuloy ng fan.

Sa huli ay pinili ng kanyang nobyo na panindigan ang ina ng kanyang magiging anak. 

"He told me that I'm the love of his life and that'll never change but he can't let his kid grow up without a complete family, so to cut the story short -- he chose the stranger, the mother of his child, over me," sabi ni "Sachi."

Ngunit hindi inaasahan ng lahat ang naging ending ng kwento ni "Sachi."

"The girl was 4 months pregnant at this time and they had a civil wedding after just a week or two. Within the same month, I was rushed to the hospital because I suddenly felt dizzy and passed out. The doctor broke the news to me -- I was 7 weeks pregnant," pagbunyag niya. 

Isa si Moira sa mga naantig sa kwento ni "Sachi."

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Oktubre 26, sinabi ng singer sa kanyang fan na hindi ito nagi-isa. Pinasalamatan niya rin ito sa pagbahagi ng kanyang istorya. 

"I was raised by a single mom. Nagpaubaya din siya. But in time, healing always comes and God always turns the deepest wounds into our greatest strengths. If our lives didn't start out that way, I don't think my life would've turned out this way. The most unexpected, most beautiful things happen 'pag pinaubaya natin kay God lahat," sabi ni Moira.

"You are not alone. And you are stronger than you think. Praying for you and your baby. Thank you for sharing your story," patuloy pa niya.

Pinasalamatan din ng "Tadhana" hitmaker ang mga single mom at sinabing saludo siya sa mga ito. 

"ISANG MAHIGPIT NA YAKAP SA LAHAT NG SINGLE MOM. On behalf of your children, gusto po namin magpasalamat sa araw araw na pinili niyo kami. SALUDO PO KAMI SA INYO," aniya.

Sa ngayon ay isa sa mga top trending video sa YouTube ang music video ng "Paubaya."

Ang "Paubaya" ay ang pinakabagong awitin ni Moira mula sa kanyang album na may pamagat na "Patawad."

READ: Moira Dela Torre releases new single ‘Paubaya’

Kasama ng singer sa pagsulat ng "Paubaya" ang mister niyang si Jason Marvin.