• Home
  • Fresh Scoops
  • Opisyal na sinalubong ng PAFR ang aktres si Arci Muñoz na ngayo’y isa nang ganap na sarhento.

TINGNAN: Arci Muñoz isa nang ganap na sarhento

Opisyal na sinalubong ng PAFR ang aktres si Arci Muñoz na ngayo’y isa nang ganap na sarhento.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/26/2020 07:53 PM
TINGNAN: Arci Muñoz isa nang ganap na sarhento

Isa nang ganap na sarhento ang aktres na si Arci Muñoz para sa Philippine Air Force Reserve Command o PAFR. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🐒🧸🛏🤎


A post shared by Arci Muñoz 🌻 ラモナ 🌸 라모나 (@ramonathornes) on

 

Ito ay matapos makumpleto ng Kapamilya star ang Basic Citizen Military Training sa Gaerlan Auditorium ng HAFR sa Clark Air Base, Pampaga nitong Lunes, Oktubre 26.

Arci Muñoz undergoes Basic Citizen Military Training​

Malugod na sinalubong ng PAFR sa isang post sa kanilang opisyal na Facebook page ang aktres na ipinanganak na Ramona Cecilia D. Muñoz. 

“Sgt Muñoz PAFR, under the supervision of 1st Air Reserve Center, learned the basic knowledges and skills of soldiery,” ani ng PAFR sa kanilang post. 

Dumaan umano si Arci sa tatlumpung araw upang masigurado nahanda siya sa kanyang mga gagampanang tungkulin bilang isang reservist sa ilalim ng Philippine Air Force. 

“For thirty training days, she underwent HADR training, marksmanship training, Obstacle Course, Field Training Exercise (FTX) and other activities that prepared her for her future roles as a Reservist of the Phippine Air Force,” ani ng post. 

LOOK: Arci Muñoz shows off new ‘Demon Slayer’ fanart​

Unang ibinahagi ni Arci ang pagiging parte niya ng PAFR Hunyo nitong taon. 

 

Ms Arci Muñoz is now Sgt Arci Muñoz PAFR! Sgt Ramona Cecilia D Muñoz PAFR completed the Basic Citizen Military...

Posted by AFRC Laang Kawal Page on Sunday, October 25, 2020

 

“Maligayang Araw ng Kasarinlan, mahal kong Pilipinas! Ngayon araw din ang aking unang pisikal na pagsasanay bilang kaunaunahang babae sa aking henerasyon at propesyon na sumasailalim sa reservist BCMT - Basic Citizen Military Training,” ani Arci sa kanyang post.

 

 

Dagdag pa niya: "Hinihikayat ko po ang aking mga kapwa kababaihan na mag-enlist. Marami pong salamat sa aking Philippine air force family. Asahan nyo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo.” 

 

 

Kasama ni Arci na dumaan sa training ang malapit nitong kaibigan at dating katrabaho sa seryeng Pamilya Ko na si JM de Guzman. 

WATCH: Arci Muñoz gives a tour of nature park property named after BTS member Jimin​

Kasalukuyang bahagi si Arci ng seryeng Walang Hanggang Paalam na mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, at iWant TFC. 

Maliban sa pag-arte, bahagi din si Arci ng bandang Philila kung saan siya ang nagsisilbing bokalista.