PANOORIN: Kim Chiu, nag-a-la ‘Valak’ para takutin ang mga kasamahan sa ‘It’s Showtime’

Napuno ng katatakutan ang bagong vlog ni Kim Chiu. 

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/26/2020 08:45 AM
PANOORIN: Kim Chiu, nag-a-la ‘Valak’ para takutin ang mga kasamahan sa ‘It’s Showtime’
Screenshots from Kim Chiu PH YouTube Channel

Ngayong papalapit na ang Halloween, gumawa ng prank si Kim Chiu kung saan nag-a-la “Valak” siya o angmadre mula sa Conjuring series. 

Maliban sa pananakot sa kanyang mga kasama sa bahay, pinalad din si Kim na takutin ang ilan sa mga kasamahan niya sa It’s Showtime kabilang na si Vice Ganda na napasigaw at tinulak siya.

READ: ‘U-Turn’ director Derick Cabrido on working with Kim Chiu: ‘Kalog on the set’

Saad ni Vice: “Walang lumalampas sa akin ng ganun-ganun lang. Humanda ka sa mga susunod na araw.”  

Panoorin ang video below: 

Samantala, sa nasabing vlog, sinamahan din sila ng isang spiritual healer upang pag-usapan ang tungkol sa nag-viral na litrato ni Kim kung saan may nakasama umano itong isang tikbalang. 

Ani ng nasabing spiritual healer: “Sila ‘yung mas nauna sa atin dito sa mundo. Lahat tayo may third eye. Siyempre ‘yung iba kaya hindi nila nakikita, minsan ‘yung subconsciousness natin, buhay ‘yan ‘di ba?” 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Andyan na sila..... ⛔️🚸⛔️. Nakikita mo ba?👁

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

Dinepensahan din ng spiritual healer si Kim sa mga nagsasabing peke ang makikitang elemento sa litrato ni Kim. 

“Malalaman ko naman talaga na fake ang isang bagay kasi may mga tinatawag na prosthetics. Pero ito, hindi eh. Magkakaiba eh,” ani ng spiritual healer. 

READ: Kim Chiu reveals her tikbalang encounter on set of ‘U-Turn’

At dahil elemental umano ang mga spirito na pumapalibot sa nasabing bahay, hindi dapat umano ito itaboy gamit ang asin dahil pwede silang masaktan dito. 

Marami pang ibang mga nakakatakot na elemento na nahanap sa iba’t-ibang litrato na ipinakita ni Kim na kuha lahat habang ginagawa niya ang bago niyang pelikula na U-Turn.

Sa huli, pinayuhan si Kim at mga sumusubaybay sa kanyang vlog na hayaan na lang ang mga ito at kung maaari ay ipagdasal na lang.