• Home
  • Fresh Scoops
  • Di na daw binalikan ni Empoy Marquez ang dating pinapasukang convenience store matapos ang insidente.

Empoy Marquez recalls ghost encounter in a convenience store

Di na daw binalikan ni Empoy Marquez ang dating pinapasukang convenience store matapos ang insidente.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/26/2020 01:57 PM
Empoy Marquez recalls ghost encounter in a convenience store
Photo credit: @empoy Instagram

Naniniwala pala sa multo ang komedyanteng si Empoy Marquez. Naka-experience na raw kasi siyang mapakitaan ng multo noong nagtatrabaho pa siya sa isang convenience store sa Bulacan bago niya pasukin ang pag-aartista.

“Graveyard shift ang duty ko noon. 10 p.m. ang time-in ko at 2 a.m. nang makita ko siya sa likod ng machine,” simulang kuwento ni Empoy sa virtual conference ng Ghost Adventures 2 series ng Viva Entertainment.

Dugtong pa niya, “Talagang nakita ko siya pag-angat ko ng tatlong case ng beer. Nang makita ko siya, naka-apron siya na black, same lang ng suot ko.


”Yung mukha niya, parang kapag nanigarilyo ka na binugahan mo ng usok, ganun yung mukha niya—blurred, medyo malabo ang dating pero alam mong tao siya.

“Nu’ng makita ko siya, nagtatakbo talaga ako sa manager ko. Sabi ko, ‘Sir Dave, may multo po! May multo po!’ Bigla niyang hinawakan ang bibig ko. Sabi niya, ‘Julius (Empoy’s real name), balik ka muna doon. Baka sabihin nila, nasisira ang ulo mo.’”

Lalaki ang multong nakita ni Empoy na ayon sa kanyang katrabaho ay matagal na raw nagpaparamdam sa convenience store.

Kuwento ulit ni Empoy, “Sinabi sa akin ng pinaka-manager ko, ‘Pasensya ka na Julius, hindi namin sinabi sa iyo kagabi habang naka-duty ka. Yung nakita mo, si Vladimir yon. Magiging manager na dapat dito yon kaya lang binangungot siya diyan sa likod ng office.’”

Ayon pa sa katandem ni Benjie Paras sa Ghost Adventures 2, ang ghost encounter daw na nangyari ang naging dahilan para hindi na siya pumasok ng trabaho.

“Hindi ko na kinuha ang suweldo ko. Hindi ko na isinoli ang uniform ko. Hindi na ako nagpakita sa kanila,” sambit pa niya.

When asked kung gusto ba niyang magkaroon ng third eye para makakita pa ng mga multo ay halatang hindi interesado si Empoy.

“Para sa taong mag-a-accept po no’n, pag-iisipan munang mabuti kasi pagka nagkaroon ka ng ganun, mahirap nang tanggalin yon, eh.

“Marami po akong nakakausap na may third eye din. Nahihirapan sila kasi pagka nakita nila—kunyari may hawak silang ganyan, nakikita din nung tao na yon ang mga kaluluwa. Medyo mahirap din po, medyo risky din,” reaksyon ng comedy actor.