• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila hindi pa tapos ang laban para sa ilang kanidata ng Miss Universe Philippines.

‘We deserve justice’: kandidata ng Miss Universe Philippines, naghayag ng saloobin sa organizer ng kompetisyon

Tila hindi pa tapos ang laban para sa ilang kanidata ng Miss Universe Philippines.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/25/2020 01:26 PM
‘We deserve justice’: kandidata ng Miss Universe Philippines, naghayag ng saloobin sa organizer ng kompetisyon
Photo credit: Miss Universe Philippines

Matapos makoronahan na ang bagong Miss Universe Philippines nitong Linggo, isang tila kontrobersyal naman na social media post ang ibinahagi ng isa sa mga kandidata ng kompetisyon na si Sandra Lemonon.

READ:  Iloilo’s Rabiya Matteo crowned Miss Universe Philippines 2020

Sa pamamagitan ng Instagram story, inihayag ni Sandra ang saloobin na sinimulan niya ng emoji ng mata “The truth always comes out,” na sinundan naman ng frying pan.


 

Photo grabbed from @Sandralemonon IG

Bahagi rin ng statement ni Sandra: “It’s just about timing. Karma is real,” sabi pa ng kandidata ng katatapos lang na Miss Universe Philippines.

Sa interpretasyon rin ng post ni Sandra, tila isang pasabog na statement ang dapat abangan ng marami kung saan hindi lang siya ang maglalahad ng kaniyang saloobin.

“Coffee time soon. Because we deserve justice,” pahayag ng kanidata.

Si Rabiya Mateo ng Iloilo ang kinilalang Miss Universe Philippines nitong Linggo. Samantala, itinanghal naman bilang First runner up si Maria Isabela Ysmael ng Parañaque, Second runner up si Michelle Gumabao ng Quezon City, Third and fourth runner up naman si Pauline Amelinckx ng Bohol and Cavite’s pride Billie Hackenson.

Minsan nang naging matunog ang pangalan ni Sandra bilang kandidata ng Binibing Pilipinas 2018. Ito ay nang aminin niyang hindi niya alam ang Build, Build, Build program ng gobyerno nang tanungin siya tungkol dito sa Q&A portion.

READ: Sandra Lemonon educates herself on government project

Noong 2019 naman ay sinubukan niyang mag-audition bilang housemate para sa Pinoy Big Brother: Otso.

READ: 2018 Bb. Pilipinas finalist Sandra Lemonon, bakit umatras sa ‘PBB’?

Kahit nag-desisyon siyang mag-back out mula sa PBB, di naman niya ito pinagsisihan. “I wanted also sobra, (PBB) I tried so hard, I went to the audition so ayun, I was really excited but you know sometimes life happens, but it’s good preparation for next year,” aniya.