• Home
  • Fresh Scoops
  • Ito ay matapos ikuwento ni Mimiyuuuh kung ano ang binili nito mula sa kauna-unahan niyang sweldo sa pag-vavlog. 

PANOORIN: Bea Alonzo, ikinuwento ang binili sa una niyang sahod bilang artista

Ito ay matapos ikuwento ni Mimiyuuuh kung ano ang binili nito mula sa kauna-unahan niyang sweldo sa pag-vavlog. 

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/25/2020 08:34 AM
PANOORIN: Bea Alonzo, ikinuwento ang binili sa una niyang sahod bilang artista
Screenshot from Bea Alonzo YouTube Channel

Ikinuwento ni Bea Alonzo kung saan napunta ang kauna-unahang niyang binili para sa kanyang sarili nang matanggap niya ang kanyang unang sahod bilang artista. 

Para sa kauna-unahang episode ng kanyang bagong segment na Bea Does para sa kanyang YouTube channel, nakasama ni Bea Alonzo ang vlogger na si Mimiyuuuh.

Dito, pinag-usapan ng dalawa ang maraming bagay tungkol sa naipunadar na bahay ni Mimiyuuuh para sa kanyang pamilya. 

“Kanina pinag-uusapan namin ni Mimiyuuuh kung paano niya nabili ‘yung bahay niya for her family,” kwento ni Bea.  

Kwento naman ni Mimiyuuuh: “Pero Ms. Bea hindi naman ‘yun full payment. Siyempre ni-loan ko ‘yun. Biro niya kay Bea: “Kaya nga po ako nandito para makahingi ng komisyon.”

Pagpapatuloy ni Mimiyuuuh, masaya siya na natupad niya ang isa sa mga pangarap niya para sa kanyang pamilya. “Ang sarap sa feeling po kasi na [natupad] mo ‘yung dream mo talaga for your family.” 

READ: Mimiyuuuh on buying a home for his family at 23: ‘Sobrang amazed ako’

Feeling ko kasi if you work hard, ma-aachieve mo ‘yung mga luho mo,” dagdag pa ng sikat na vlogger. 

Masaya si Bea na nakapagpundar na si Mimiyuuuh ng bahay sa loob lamang ng isa’t-kalahating taon. 

“Ako naman 20 years na ako nag-tatrabaho, girl. 13 pa lang nag-wowork na ako,” kwento ni Bea. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Looking back at our dressing room photoshoots ❤️

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

Muli namang ibinahagi ni Mimiyuuuh ang unang bagay na binili niya para sa kanyang sarili mula sa una niyang kinitang pera. Matatandaang una nang inamin noon ng vlogger sa isang panayam ng PUSH na mamahaling sapatos ang pinakamahal na bagay na binili niya para sa kanyang sarili. 

“Sinave ko talaga. Pero ang first-ever na gift ko sa sarili ko shoes. ‘Yung Margiela. Inantay ko pang mag-sale ‘yun bago ko bilhin,” kwento ni Mimiyuuuh. 

READ: EXCLUSIVE: What is the most expensive thing that Mimiyuuuh has bought for himself?

Hindi rin nakaligtas si Bea sa nasabing katanungan kung saan inamin niyang cellphone ang una niyang binili para sa kanyang sarili noon. 

“Bumili ako ng cellphone. Kasi nakiki-phone lang ako dati sa Mama ko. Tapos ayun bawal pa din lumandi kasi tinitingnan pa rin ng nanay ko ‘yung [phone]. Bawal makipag-text sa boys

Panoorin ang video sa ibaba: 

Ani Bea, marami pang dapat abangan sa kanya dahil maglalabas siya ng iba’t-ibang vlogs kung saan gagawin niya ng mga bagay na hindi niya pa nagagawa pero matagal na niyang gustong gawin. 

I will be uploading videos of myself every week doing different things — the things that I have been curious about doing but never had a chance to do or the the things that I am already doing pero bibigyan natin ng spin to make it more interesting,” ani Bea. 

PANOORIN: Bea Alonzo, sinagot ang tanong tungkol sa estado ng kanyang puso ngayon

Sa nasabing vlog, pinag-usapan din nina Bea at Mimiyuuuh ang ilan sa mga taong gusto nilang maka-collaborate sa isang vlog. Gusto umano ni Mimiyuuuh na muling gumawa ng vlog kasama si Heart Evangelista. 

WATCH: Bea Alonzo gives a tour of her home of eight years

Samantala, natupad na umano ni Bea ang kanyang pangarap na makatrabaho si Mimiyuuuh kaya naman ang sunod na gusto niyang maka-collaborate para sa mga susunod niyang vlog ay ang mag-asawang sina Nico Bolzico at Solenn Heussaff pati na rin si Maymay Entrata.