• Home
  • Fresh Scoops
  • Kylie Verzosa, sobrang supportive daw ni Jake Cuenca sa kanyang career.

Kylie Verzosa, pinush ni Jake Cuenca na gawin ang sexy thriller film na ‘The Housemaid’

Kylie Verzosa, sobrang supportive daw ni Jake Cuenca sa kanyang career.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/25/2020 10:13 AM
Kylie Verzosa, pinush ni Jake Cuenca na gawin ang sexy thriller film na ‘The Housemaid’
Photo credit: @kylieverzosa Instagram

Inamin ni Miss International 2016 Kylie Verzosa na malaking factor ang boyfriend niyang si Jake Cuenca para tanggapin niya ang sexy thriller film na The Housemaid na Pinoy adaptation ng sikat at iconic film ng South Korea noong 2010.

Ayon pa kay Kylie, si Jake ang kumumbinse sa kanya na gawin ang pelikula kahit pa nire-require ng kanyang role na magpakita ng flesh at maging daring.

“Alam n’yo po, sobrang supportive lang po kasi ni Jake. Siya pa nga yung… ako pa nga yung nagkaroon ng doubt siyempre. Sabi niya, ‘Ang ganda nung movie, kung in-offer sa akin yan, gusto ko yan.’ So, siya pa yung nag-push sa akin na gawin ito kasi medyo… hindi naman sa bago ‘to pero medyo kaka-start ko lang po,” pahayag ni Kylie sa ginanap na virtual storycon ng The Housemaid.


“Isang malaking tulong talaga si Jake sa akin para sa career ko, sa acting ko,” pagmamalaki pa ng beauty queen sa boyfriend.

Anu-ano ba ang ginagawaniyang  paghahanda para sa kanyang role sa The Housemaid?

“Medyo malayo kasi yung role sa akin, so kailangan talaga ng mahaba at matinding preparasyon para sa role. So workshops, nagtatanong ako sa mga batikang aktor. Kailangan kasi din yung collaboration lalo na with Direk (Roman Perez Jr.), kung ano bang treatment yung gusto niya.

“At siguro, dapat lang nahanda ka rin bilang aktres, handa ka bilang aktor sa pagpunta sa set,” pahayag niya.

Kahit pandemic ay masuwerteng nabibigyan pa rin ng trabaho si Kylie. Ano ba ang naging impact sa kanya ngd inaranas nating pandemic ngayon?

“Nakakatakot lang siya kapag may mga ibang tao outside the set na pumapasok, yung mga nagpapa-picture na minsan hindi maiiwasan. But otherwise, excited po kasi akong magtrabaho, eh, parang happy ako na andito ako, masaya ako na may trabaho.

“Para sa akin mas madali din yung set up na ganito dahil yung mga location namin hindi malalayo kapag taping or naka-lock-in sa hotel kaya mas madali for the actors kasi yung oras parang compressed siya, eh,” pagbabahagi niya.

Naikuwento rin ni Kylie sa storycon na bago pa man mag-pandemic ay na-pitch na sa kanya ang The Housemaid.

Hindi naman itinanggi niKylie na meron siyang konting apprehension sa role na ipo-portray niya sa pelikulang Viva Films.

“Of course, ang una kong apprehension is yung… alam mo yung pagpasok ko sa showbiz tapos ang una kong malaking film is ganitong klaseng film. So, swerte naman ako na maramingd umating na iba before this and napaghandaan ko talaga ito. And hindi kasi siya…may lalim kasi siya, eh. Para sa akin hindi siya erotic film, kundipinagdadaanan ng isang tao at nangyayari talaga ito.

“Excited ako dahil very challenging yung role, pero kinakabahan din ako ng konti pero sa tingin kokakayanin naman,” confident na pahayag ng bida ng The Housemaid.