• Home
  • Fresh Scoops
  • Iniiwasan din ni Jaclyn Jose puntahan ang anak na si Andi Eigenmann lalo nang buntis ito ngayon.

Jaclyn Jose, aminadong hirap tanggapin ang new normal set up

Iniiwasan din ni Jaclyn Jose puntahan ang anak na si Andi Eigenmann lalo nang buntis ito ngayon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/25/2020 03:31 PM
Jaclyn Jose, aminadong hirap tanggapin ang new normal set up
Photo credit: @jaclynjose Instagram

Aminado ang award-winning actress na si Jaclyn Jose na hindi talaga naging maganda ang impact sa kanya ng new normal. Nahihirapan daw siyang i-embrace ito lalo pa nga na she’s not getting any younger.

“Well, ang hirap tanggapin at first nung new normal. Actually, hanggang ngayon hindi ko siya matanggap, eh. I’m setting it aside because I cannot, eh,” pahayag niya.
 
Paliwanag pa ni Jaclyn, “When you’re not young anymore, you’re looking for your life na kinalakihan, so I think I’m not young anymore to adjust easily. It’s so hard for me. Sobrang ingat, hindi lumalabas.

“Kahit pagpunta sa mga apo hindi ko ginagawa. Kahit sa market, grocery, everything lahat delivery. But we all have to work, we all have to accept this.”


Nakatira sa Wack Wack (Mandaluyong) ang dalawang apo ni Jaclyn na sina Ellie at Lilo sa anak niyang si Andi Eigenmann.

“Madalang lang ako nagpupunta do’n kasi iniiwasan ko yung sumakay ng elevator, nakakatakot, eh. Kasi mahirap, eh, mahirap magkasakit,” katwiran niya.

My daughter is pregnant and I have little girl and Ellie kaya iniiwasan ko ang pagpunta sa kanila. Ngayon pa lang nagsasabi na ako. Actually, noon pa sinabi ko na before I start, once naka-swab na, I can’t go out anymore.

That’s what I did before, eh, with the movie I did, eh. After swabbing hindi na ako lumalabas. Hindi ako nagpapapasok. Actually, ganun naman ang ginagawa ko but ngayon mas maingat,” sabi ulit niya.

Sa kabila ng pandemic ay nakatapos na ng isang pelikula ang beteranang aktres – ang Real Life Fiction na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Jasmine Curtis mula sa direksyon ni Paul Soriano. Sisimulan naman niya ng The Housemaid na pinagbibidahan ni Kylie Verzosa next week.

“Kailangan din nating magtrabaho kaya pag may opportunity na ganito, na maganda naman yung offer at sigurado ka na you’re going to be safe, you have to accept it.

“Yung sistema kasi ng katawan ko hindi sanay na hindi umaarte because this is what I do best in life. Pagka tatlong buwan na akong hindi nagpo-portray ng character, parang there’s something wrong with me psychologically.

So it’s somehow… therapy ko ‘to, eh, to get out of the reality of what is happening around. So, tumatanggap ako ng trabaho. Ingat na lang talagang mabuti at yung acceptance (sa new normal) unti-unti natatanggap,” deklara pa niya.