Stand out ang Ilongga beauty sa 2020 edition ng Miss Universe Philippines.
Si Rabiya Mateo ng Iloilo City ang pinasahan ng korona ni 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados sa naganap na coronation ng Miss Universe Philippines pageant nitong Linggo sa Baguio Country Club.
Si Rabiya ay nagtapos ng cum laude with a Bachelor of Science degree in Physical Therapy sa Iloilo Doctors College.
Bago sumabak bilang beauty queen, si Mateo ay isang active review coordinator and lecturer sa SRG Manila Review Center.
Ang Miss Universe Philippines ang unang National pageant ng Iloilo beauty.
Samantala, itinanghal naman bilang First runner-up si Maria Isabela Ysmael ng Parañaque, second runner-up si Michelle Gumabao ng Quezon City, third runner-up naman si Pauline Amelinckx ng Bohol at 4tn runner- up ang Cavite’s pride na si Billie Hackenson.