• Home
  • Fresh Scoops
  • Kylie Verzosa, nagbigay ng mensahe para sa mga taong hindi nakakaintindi sa set-up na meron sila ni Jake Cuenca.

Kylie Verzosa sa pagli-live-in nila ni Jake Cuenca: ‘Pakialam n’yo ba, so what?’

Kylie Verzosa, nagbigay ng mensahe para sa mga taong hindi nakakaintindi sa set-up na meron sila ni Jake Cuenca.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/23/2020 12:24 PM
Kylie Verzosa sa pagli-live-in nila ni Jake Cuenca: ‘Pakialam n’yo ba, so what?’
Photo Credit: @juancarloscuenca Instagram

Para sa beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa ay hindi malaking isyu kung nagsama sila ng boyfriend na si Jake Cuena sa iisang condo unit habang lockdown. Ayon sa kanya sa ginanap na virtual conference ng latest project niyang Ghost Adventures 2, mga tatlong buwan lang naman daw silang nagsama ni Jake.

“Feeling ko two to three months yon, kasi quarantine yon, eh, MECQ tapos nalaman naming mag-e-extend pa yung quarantine. For a period, we decided to stay together,” pag-amin niya.

Matagal na rin daw siyang independent at nasa tamang edad na rin kaya okay lang kung mag-decide silang mag-live-in for a while.


“I think, I’ve been independent since college pa ako and I think Jake and I are at the right age and both of us have work very hard to get what we are today. So I think, I guess dapat i-respect ng tao yung desisyon namin kasi we are very independent people who just trying to be the best version of ourselves,” paliwanag ni Kylie.

“We’re not trying to hurt anyone, we’re just having fun with our lives and I think, hindi na kami teenybopper. Hindi na kami younger 20s. I hope people respect our decisions with whatever decisions we have with our lives kasi we’re already off age,” giit pa niya.

Habang magkasama sila ni Jake ay nadiskubre ni Kylie na, “Magaling siyang mag-alaga ng aso, kasi may aso kami together, one bulldog.”

Pero idinagdag ng former beauty queen na hindi na sila magkasama ngayon ni Jake sa isang condo. Pero yung building daw na tinitirhan nilang dalawa ay magkalapit lang.

Nagbigay din ng mensahe si Kylie para sa mga taong hindi nakakaintindi sa set-up na meron sila ni Jake.

“Naiinis kasi ako na parang ano ba’ng pakialam n’yo, di ba? Para sa akin, pakialam n’yo ba? Ganoon ako mag-isip, eh. So what?” diretso niyang pahayag.

Samantala, aprubado kay Kylie ang lock-in taping and shooting.

“Dito sa Ghost Adventures kapag lock in, 12 to 14 hours lang kasi so mas madali para sa artista. Hindi mo rin nabibitawan yung character mo, especially kung mabigat tapos magigising ka na lang sa set aayusan na kayo, wala ng travel time kasi nakakapagod talaga yung travel time for me.

“Kaya mas madali sa akin, mas gusto ko nga yung lock-in na taping kasi nakakasama ko rin yung cast members so, mas masaya para sa akin,” katwiran ni Kylie.

Kasama ni Kylie sa Ghost Adventures Season 2 ng Viva Entertainment sina Benjie Paras at Empoy Marquez. Mapapanood ito simula Oktubre 31 sa TV5.