• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento ng mag-asawang Rachelle Ann Go at Martin Spies kung paano nangyari ang engagement nila sa Boracay.

PANOORIN: Rachelle Ann Go at asawa na si Martin Spies, ibinahagi ang kwento sa likod ng engagement sa Boracay

Ikinuwento ng mag-asawang Rachelle Ann Go at Martin Spies kung paano nangyari ang engagement nila sa Boracay.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/22/2020 09:37 AM
PANOORIN: Rachelle Ann Go at asawa na si Martin Spies, ibinahagi ang kwento sa likod ng engagement sa Boracay
Screenshot from Rachelle Ann Go YouTube Channel

Makalipas ang tatlong taon, ikinuwento ni Rachelle Ann Go at ng kanyang asawa na si Martin Spies ang kwento sa likod ng kanilang pinag-usapang engagement noon sa Boracay. 

 

 

Pagbabalik-tanaw ni Martin, nakatakda siyang lumipad papuntang Pilipinas noong Agosto ng 2017 para personal na makilala ang pamilya ng noo’y girlfriend pa lamang niya na si Rachelle Ann. 

Bagama’t plano niya na mag-propose na lang pagkabalik nila ni Rachelle Ann ng London, sinabi umano sa kanya ng isa niyang kaibigan na sa Pilipinas na lang niya ito gawin. 

“He kind of suggested that ‘If you are going to the Philippines and you are meeting the family, why don’t you just propose while you’re there?’ After that dinner, I started to kind of think about the ring first,” kwento ni Martin.

 

 

Hindi umano naging madali para kay Martin ang paghahanap ng singsing para kay Rachelle lalo pa’t “once in a lifetime” lang umano ito. 

Aniya: “It was a team effort to figure out what Shin wants and that was a great process. That was honestly a really cool thing to do. It’s a once in a lifetime thing. Learning about diamonds and this business, it was fun and really exhilarating to get that ready to take with me to the Philippines.”

At dahil lilipad sila ng Boracay, naisipan niya na doon mag-propose kay Rachelle Ann sa tulong na din ng kaniyang mga kaibigan sa Pilipinas.

“I knew we were going to Boracay with your family. I was looking around in Boracay trying to find somewhere where we could go, where I could propose with not a lot of people around. I’ve never been to the Philippines so I just had to do some research. I had Filipinos helping me,” saad ni Martin. 

 

 

Pag-amin naman ni Rachelle, umasa siyang magaganap na ang engagement doon lalo pa’t kasama nila ang kanyang pamilya na lumipad ng Boracay. 
 
“Because he’s there with my family already, I feel like it’s the perfect time, it’s the perfect place for him to do that. It’s so funny pa, during my birthday, when he handed me his gift, in my head, ‘Oh my gosh is this a ring, is this a ring?’ Pag-open ko, it was a necklace. I mean I love it but part of me, I wish it was a ring. So funny. I was stopping myself from thinking that thought.” 

READ: Rachelle Ann Go, husband share how their love story began at a Sunday Service in New York

Noong nakarating na sila sa Boracay, mas lalo pa umano siyang umasa na magaganap na ang inaabangan niyang engagement dahil sa mga tinatayong tent sa hotel kung saan sila naka-check-in. 

“When we went to Boracay, the funniest part is every single morning, they were building this tent like when they have this special event. Every morning, they are preparing something so I feel like, ‘Is this for me? Maybe Martin is proposing to me,’” aniya. 

READ: Rachelle Ann Go says London home is a dream come true

Dagdag pa niya: “Every time I see people preparing something, I would fix my hair waiting for the surprise. But I was just assuming.”

Kwento naman ni Martin, humingi siya ng tulong sa mga magulang ni Rachelle Ann para mangyari ang engagement. 

 

 

“Eventually I had a conversation with them and told them what I’d like to do on this trip and if I have their blessing to do it. That was quite special. I was happy because I was nervous about that conversation as anyone would be. The most important is they said okay,” ani Martin. 

Noong dumating na ang araw ng engagement na naganap habang nakaupo sila sa dalampasigan at palubog na ang araw, inamin ni Rachelle Ann na nagulat siya nang bigla na lang lumuhod sa harapan niya si Martin. 

WATCH: Rachelle Ann Go gives a tour of her house in London

“I’m not following. What’s happening? And also because I wasn’t expecting anymore, I thought you were just doing a nice speech because it was a nice set up. Even when you knelt down, I was like, why are you kneeling? I wasn’t really thinking na that was it,” kwento niya. 

 

 

Pagpapatuloy pa niya: “When he opened his jacket, may kinuha siyang box. Nung nakita ko 'yung box, it wasn’t really registering in my head. Yun na, pag-open niya, there’s that ring. I just couldn’t believe it.” 

Panoorin ang kwento ng mag-asawa sa ibaba: 

Ikinasal sina Rachelle Ann at Martin noong 2018. Kasalukuyan silang naninirahan sa London.