• Home
  • Fresh Scoops
  • Tony Labrusca, aminado na medyo emotional dahil wala sa comfort zone habang naka-lock-in taping.

Tony Labrusca, hirap pa din sa lock-in taping kahit halos sanay na

Tony Labrusca, aminado na medyo emotional dahil wala sa comfort zone habang naka-lock-in taping.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/21/2020 04:06 PM
Tony Labrusca, hirap pa din sa lock-in taping kahit halos sanay na
Photo Credit: @tony.labrusca Instagram

Masaya si Tony Labrusca na kahit pandemic ay hindi siya nawawalan ng projects. Pagkatapos niyang gawin ang digital film na U-Turn ay bahagi naman siya ng Bagong Umaga series ng Kapamilya network na mapapanood simula October 26 sa A2Z Channel 11 at sa iba pang digital platforms ng ABS-CBN.

Kahit halos sanay na sa lock-in shoot si Tony dahil nga sa pandemic ay aminado pa rin ang aktor na hirap pa rin talaga siya sa ganitong set-up

“Mahirap talaga. Medyo emotional ka lagi kasi nami-miss mo yung comfort zone mo, yung family mo,” lahad ni Tony. “Di ba, usually pag taping, every other day nakakauwi ka kahit papaano, so dito wala. Pero suwerte naman kaming lahat dito kasi lahat po sila mabait.


“Actually, yon din po yung fear ko, akala ko magsisilabasan na yung mga ugali nung mga kasama ko dito pagdating ng third week. Pero ito, last few taping days na kami for the first lock in and I’m really happy to say na mabait po lahat ng mga kasama ko dito. Lahat ng staff really understood how hard lock in is so I think tulungan na lang po kaming lahat dito kasi it’s not easy,” patuloy na kuwento ni Tony sa sa ginanap na virtual conference para sa Bagong Umaga.

When asked kung ano ang maikokonsider niya na pinakamatinding problemang hinarap niya na eventually ay nagresulta rin sa pagkakaroon ng “bagong umaga” ay hindi napigilan ni Tony na balikan ang nangyari sa kanya two years ago.

Matatandaang naging laman ng mga headlines si Tony dahil sa diumano’y paninigaw niya dahil sa galit sa isang immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil isang buwan lang ang ibinigay sa kanya para manatili sa bansa bilang American passport holder.

Ayon sa aktor, nagpapasalamat siya na sa kabila ng nangyari ay hindi siya binitiwan ng ABS-CBN at patuloy na pinagkatiwalaan ng TV network.

“Hindi na lang ako magbibigay ng showbiz na answer. Two years ago, ang laki ng naging isyu sa akin. So, ang feeling ko, ang daming tao na namba-bash sa akin, kahit hindi naman ako kilala.

“Tapos maraming tao na gusto na akong magpakamatay, or gusto na akong i-deport kahit hindi naman nila alam yung totoong kuwento. And feeling ko, marami rin tao sa ABS-CBN na wala nang tiwala sa akin,” pagre-recall ni Tony sa nangyari.

Dagdag ng aktor, “Ang dami kong naging bad habits dahil sa self-pity. Tapos naisip ko na parang dalawa lang naman yung choice ko. I can prove them right na hindi ko nga deserve lahat ng mga project ko, lahat ng blessings ko, or gagalingan ko na lang.

“So, ayun, happy ako na ngayon, sinu-support pa rin ako ng ABS-CBN. Binibigyan ako ng magandang projects.”

Nag-iwan din ng memsahe si Tony sa mga tao na hanggang ngayon ay hinuhusgahan siya.

“And sa lahat ng mga tao na hanggang ngayon, dyina-judge pa rin ako, wala na po akong kontrol doon. Basta ako, masaya ako and grateful ako na may bagong umaga,” sey pa niya.

Samantala, makakasama rin ni Tony sa Bagong Umaga sina Heaven Peralejo, Barbie Imperial, Kiko Estrada, Michelle Vito, at Yves Flores. Sa direksyon ito nina Carlo Po Artillaga at Paco Sta. Maria at mula naman sa RGE Drama Unit ni Rizza Gonzales-Ebriega.