• Home
  • Fresh Scoops
  • Proud naman umano si Ruffa Gutierrez sa dalawa nitong anak dahil hindi umano siya binibigyan ng stress ng mga ito.

‘Hindi niyo ako binibigyan ng stress’: Ruffa Gutierrez, tiwala sa mga desisyon ng anak na sina Lorin at Venice

Proud naman umano si Ruffa Gutierrez sa dalawa nitong anak dahil hindi umano siya binibigyan ng stress ng mga ito.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/21/2020 09:22 AM
‘Hindi niyo ako binibigyan ng stress’: Ruffa Gutierrez, tiwala sa mga desisyon ng anak na sina Lorin at Venice
Photo Credit: @iloveruffag Instagram

Inamin nina Lorin at Venice Gutierrez na bagama’t aminado silang cool para sa kanila ang ina na si Ruffa Gutierrez, mas cool umano ito noon bago nangyari ang pandemya. Ani nina Lorin at Venice, mas naging clingy umano ang kanilang ina nitong mga nakaraang buwan. 

WATCH: Ruffa Gutierrez’s hilarious reaction to ‘twerking’ daughters Lorin and Venice

“Actually naman cool mom siya. Pero ‘yung TikToks na ginagawa niya, sometimes naman sinasabi ko ‘wag na please kasi baka makita ng mga kaklase. Pero wala naman ako pake kasi ‘pag masaya siya, eh di okay lang kami,” saad ni Venice. 


 

 

“Parang mas cool mom si Mommy before the pandemic kasi mas occupied siya tapos she’s more lenient. Pero ngayon na lagi siyang nasa bahay, she’s always going to our rooms. ‘Hello’ every thirty minutes. Nag-no-knock siya sa door namin,” pagbabahagi naman ni Lorin. 

READ: Anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice, usap-usapan sa social media

“Very clingy all of a sudden,” dagdag ni Venice. 

Ayon naman kay Ruffa, tinitiyak niyang ma-mimiss ng kanyang mga anak ang pagiging clingy niya lalo pa’t nagbabalak na mag-aral ang anak niyang si Lorin sa Amerika para mag kolehiyo. 

“Ma-mimiss mo na ‘yun. Ang Lorin, gusto mo pa naman mag-aral sa Amerika. Eh ngayon nga lang you’re so clingy. ‘Mommy, what’s happening? My toilet bowl flushed. Mommy I need water, I’m so thirsty.’ Imagine gusto niya mag-States? Jusko baka tatlong araw palang siya du’n mahihilo-hilo na siya,” saad ni Ruffa. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My girls and I taking a break from walking in high heels! 😩💖👠

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag) on

 

Proud naman si Ruffa sa dalawang dalagang anak na aniya’y hindi siya binibigyan ng sakit sa ulo. 

“First of all, I’m so happy that you girls are homebodies. Minsan inaaya ko ‘yan lumabas, ‘Halika magpa-salon tayo or let’s get our nails done, bonding’. [Pero] talagang gusto nila sa bahay lang. So natutuwa ako na kayong dalawa hindi niyo ako binibigyan ng stress di katulad ng ibang mga nanay na stressed na stressed sa mga anak nila,” ani Ruffa. 

 

 

Pagpapatuloy pa niya: “So at least sila hindi nila ako binibigyan ng sakit ng ulo. I mean minsan may pagka-pilya din ang girls ko pero hindi to the extent na ma-aalarm ako. But in terms of me knocking in your rooms, nami-miss ko lang kayo. I just want you to spend time with me, ‘di ba? ‘Cause when you’re older na and when you’re 35 and I allow to have boyfriends, wala na ako ‘di ba?” 

Nang tanungin tungkol sa mga kaibigan ng mga ito, sinabi ni Ruffa na kampante siya sa mga pinili ng kanyang mga anak. 

READ: Ruffa Gutierrez shares facts about daughter Venice on her birthday

“Well, okay lang naman as long as I know where they’re going. May mga friends naman si Lorin tsaka Venice na mga showbiz din, mga non-showbiz,” aniya. 

Dagdag pa niya: “Okay naman that they hang out with their friends na showbiz or non-showbiz. I trust Lorin and Venice. They choose friends na hindi sila i-cocorrupt to do bad things,” dagdag pa ni Ruffa. 

READ: Anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin, agaw-pansin sa kanyang bikini photo

Panoorin ang panayam nila sa Magandang Buhay sa ibaba: 

Bahagi si Ruffa ng bagong digital series nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na The House Arrest of Us na mapapanood na ngayong Oktubre 24 sa KTX.ph at iWant TFC. 

Makakasama niya rin sa nasabing show sina Arlene Muhlach, Dennis Padilla, Gardo Versoza, at Herbert Bautista.