• Home
  • Fresh Scoops
  • Under special diet si Moira Dela Torre ngayon para sa kaniyang plano magka-baby.

Moira Dela Torre, naghahanda na nga ba magka-baby?

Under special diet si Moira Dela Torre ngayon para sa kaniyang plano magka-baby.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/20/2020 05:36 PM
Moira Dela Torre, naghahanda na nga ba magka-baby?

Extra blessing para sa singer na si Moira Dela Torre ang multi-platinum award ng kaniyang natanggap nitong nagdaang Linggo sa ASAP Natin ‘To.

Ang eight platinum award na tinanggap ni Moira ay para sa kaniyang album na Malaya, two time platinum award para sa Ikaw at Ako, at platinum award para sa kaniyang latest album na Patawad.

Kaya naman, kasunod nang achievement na ito sa kaniyang mga original compositions, isa rin sa naitanong kay Moira ay kung nasubukan na ba niyang sumulat ng awitin matapos magka-lovers’ quarrel nila ng mister na si Jason.


“Meron po,” tugon ni Moira sa digital conference.

Patuloy niya: “Kasi po si Jason po ‘pag nag-aaway kami, naiisiip niya agad parang ‘Paano pag hindi tayo nagkatuluyan? Paano kung di ako mag-end up with Moira?’ So parang nare-reverse niya ‘yung galit niya from galit to gratitude na kami na ‘yung nagkatuluyan. So meron siyang nasulat noong nag-aaway kami. ‘Kabanata’ marami naman po,” masayang kuwento ng singer.

Aniya, ang pagsusulat na rin ng kanta ang nagiging daan nila pag nagkakaroon sila ng tampuhan ng mister.

Speaking of tampuhan, naging tanong rin natin kung paano nga ba nila inaayos ang kanilang pagdaan sa panahon na ‘di sila nagkakaunaawan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Merry Christmas everyone from our little family to yours🎄✨

A post shared by Moira Dela Torre (@moirarachelle) on

 

“Dalawa lang ‘yun. Papakainin at lalambingin bati na kami,” pahayag ni Jason na sorpresang nagpakita sa live video conference.

Pabiro pa ni Moira: “Kapag nag-so-sorry siya.”

At kahit na magkasama na ngayon sa iisang bubong, inilarawan rin ng singer ang naging adjustments nila sa isa’t isa ng mister.

“It’s doing so great! Noong first year po namin medyo maraming nangyari sa buhay po namin. Last year, so medyo nag-a-adjust na kami in living together in being together, in being married. Tapos, ang dami-dami pang nangyayari sa buhay namin. So it’s a little rough, but then now it’s everything I imagined marriage to be and more,” kuwento pa ni Moira.

Sa pagbuo ng pamilya, isa rin sa naging kuwentuhan ay ang pag-plano sa pagbuo ng baby. Ayon kay Moira, isa na ito sa pinaghahandaan niya ngayon.

 

 

“Gusto ko po mag baby siguro next year or in two years? And right now, I’m on a special diet for my Polycystic Ovary para I hope I can get pregnant na and para hindi mahirap. Iba po ‘yung Polycystic Ovary, I also learned recently, I’ve been learning about it I also learned that factor po siya kung bakit ako may depression kung bakit ako may anxiety, nag-add up po talaga siya and that’s why a lot of people need awareness,” sambit pa niya.

Sa usapin ng pamilya, forever grateful rin Moira sa Kapamilya network na kapit-bisig sa pag-ahon sa hinaharap na pagsubok.

“I’m very, very grateful for the stage that I have now and still being part of ABS-CBN. It really feels less like work and more of a family and I think, that’s what all we need now. We need a family to fall back [on] and I’m very grateful that I’m in ABS-CBN,” pahayag pa ng singer.