• Home
  • Fresh Scoops
  • Martin del Rosario, dalawang taon na daw na walang love life.

Martin del Rosario: ‘Napapraning ako kapag may showbiz na love life’

Martin del Rosario, dalawang taon na daw na walang love life.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/02/2020 09:51 AM
Martin del Rosario: ‘Napapraning ako kapag may showbiz na love life’
Photo Credit: @martinmiguelmdelrosario Instagram

Wala pa ring girlfriend hanggang ngayon ang dating Kapamilya actor na si Martin del Rosario. Ito ang naging pag-amin niya sa online show na Tonight With Allan Diones (2WAD) sa YouTube ng kaibigan naming showbiz writer na si Allan Diones nitong huling linggo ng Setyembre.

Ayon kay Martin, non-showbiz daw ang huli niyang naging girlfriend and two years ago na raw iyon.

“Wala. Tagal nang walang love life. Parang more than... Magtu-two years na,” pagtatapat ng aktor.


Nagbigay din ng dahilan si Martin kung bakit ayaw niyang magkaroon ng girlfriend na taga-showbiz kahit pa preferred ng ibang aktor ang mga ganitong babae dahil mas naiintindihan daw ang kanilang line of work.

“Wala po akong naging girlfriend na showbiz po. Napapraning ako kapag may showbiz na love life. Parang pakiramdam ko naka-magnifying glass… ganun,” rason niya.

Kasamang nag-guest ni Martin sa 2WAD sina Paolo Ballesteros at Christian Bables na kasama rin niya sa pelikulang The Panti Sisters na ipinalabas sa Pista ng Pelikulang Pilipino last year.

Habang quarantine, hindi naman daw nag-gain ng timbang si Martin na tulad ng iba na tumaba dahil sa kakakain. Mas nagkaroon pa nga raw siya ng time na pagandahin pa lalo ang kanyang katawan.

Aniya, “Ano lang po, disiplina lang. Tsaka yung pagkain. Itong quarantine nagtaka nga ako dahil naging mas disiplinado ako. Yung utak ko mas naka-focus.

“Tsaka wala akong ginagawa kundi mag-workout nang mag-workout. Siyempre, hindi pa rin nagsa-start ng taping naman kaya ayun lang po—workout lang nang workout everyday.”

Hindi rin madalas lumabas ng bahay si Martin kahit wala pang pandemic. Ito rin daw ang dahilan kung bakit wala siyang masyadong kaibigan sa showbiz.

“Marami naman akong friends. Usually, yung mga nakakasama ko sa taping, sila yung nagiging friends ko. Pero kapag natapos na yung taping parang...

"Kasi kung tanungin n’yo sina Pao at Christian, di ba tahimik lang ako? Hindi naman ako masyado nagsasalita talaga.

“Hindi naman sa hindi ako friendly, pero hindi rin po ako sumasama-sama sa mga grupo-grupo. Pero marami akong friends sa showbiz hindi lang siguro yung barkada,” paliwanag ni Martin.