• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsalita na si Pastillas Girl tungkol sa pambabatikos na natanggap nito mula sa mga netizens kamakailan.

Mukhang pera? Kunsintindor? ‘Pastillas Girl’ sinagot ang kanyang mga bashers

Nagsalita na si Pastillas Girl tungkol sa pambabatikos na natanggap nito mula sa mga netizens kamakailan.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/19/2020 09:07 AM
Mukhang pera? Kunsintindor? ‘Pastillas Girl’ sinagot ang kanyang mga bashers
Screenshot from angelicajaneyap YouTube Channel

Nagsalita na si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang Pastillas Girl matapos silang makaranas ng pambabash ng kanyang partner na si Archie Dela Cruz o Flow G. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bigo: angelicajaneyap To download click the link in my bio ✨


A post shared by Angelica Jane Yap (@angelicajaneyap) on

 

Sa kanyang pinakabagong vlog, isa-isang binalikan ni Pastillas Girl ang pambabash na natanggap niya sa nakaraang limang taon. 

Unang ikinuwento ni Pastillas Girl na nakatanggap siya ng pambabatikos dahil sa pagmumura niya. 

“Una, kinondemn ako ng mga tao kasi just because nagmura ako du’n sa video. People would say na it’s not appropriate and I understand. But thinking about it now, sobrang hypocrite lang ng mga tao. I know a lot of people na nagsi-say ng bad words pero okay lang, tanggap sa society. Ang nangyari lang is ako, as Pastillas Girl, ‘yung nagmura, kaya hindi nila matanggap,” ani Pastillas Girl.

 

 

Pagpapatuloy niya: “They will always hate me for what I did. May mga tao na natutuwa sila na tanggap nila na ganu’n. Pero dahil ako ‘to, dahil si Pastillas Girl ako, hindi nila ‘yun kayang tanggapin. 

Sunod na ikinuwento ni Pastillas Girl ang pang-aakusa sa kanya dahil sa pagnanakaw umano niya ng recipe ng pastillas na ginawa niya sa isa sa kanyang mga videos noon. 

“I think ‘yung pangalawa, ninakaw ko daw ‘yung Pastillas recipe. None of the pages na nag-teteach ng recipe, naglagay ng credit. Sa sobrang laki ng internet, you would never know kung kanino ba talaga ‘to nanggaling. Since it was posted everywhere, naisip ko lang siyang gawan ng video. Parang mas makikita nila ‘yung emotion kung may video,” saad niya. 

Dagdag pa niya: “And when I found out that kanya ‘yun, I immediately apologized to her publicly. Kung hindi niya pa rin natanggap ‘yung apology ko, feeling ko dadalhin niya na lang ng legal matters and I was super ready to face that.”

WATCH: ‘Pastillas Girl’ Angelica Yap gives tour of new house with rapper Flow G

Pangatlong ikinuwento ni Pastillas Girl ang naranasang pambabash dahil sa mga fans ng kalaban ng It’s Showtime mula sa kabilang istasyon sa kasagsagan ng kanyang kasikatan noon sa telebisyon.

“What happened to me next, ‘yun naman ang pinakamalala kasi nu’n napunta naman ako sa noontime show, lahat din ng tao ulit, for the third time, galit na naman sila. Let’s put it this way, ‘yung parehas na noontime show, nagtatapat talaga ‘yan para sa ratings. Ako ‘yun napunta dito, may nauna na sa kabila,” aniya. 

Pagpapatuloy pa niya: “Yung may mga gusto du’n sa kabila, galit naman sila sa saken kasi mas gusto nila ‘yung kabila. So since ang dami dami dami ng may gusto du’n sa kabila, ang dami rin ibig sabihin ng may galit saken kahit wala akong ginagawa. Ayaw nilang may sumuporta saken. Gusto lang nila, du’n lang sumuporta sa kabila. And I understand kasi nga, ganu’n naman talaga ‘pag mga fans, ‘di ba? Lagi nating pinoprotektahan ‘yung idol natin.” 

 

 

Aminado naman si Pastillas Girl na labis siyang nasaktan dahil wala naman umano siyang intensyon na kalabanin ang idolo ng mga tagahanga na sumusuporta sa kabilang istasyon. 

“Kaya nga lang, ang masakit du’n, hindi mo naman kasi kinakalaban. Para silang nagpo-protekta sa isang tao na hindi mo naman inaano,” sambit niya. 

Hindi naman napigilan ni Pastillas Girl na maiyak nang alalahin ang pagpanaw ng kanyang ina.  “Nu’ng mawala ‘yung mommy ko. Ayun ‘yung time na pinakamahirap. Ayun ‘yung time na okay lang lahat ng tao galit saken as long as nandiyan ‘yung pamilya ko — especially ‘yung mommy ko para suportahan ako.” 

WATCH: ‘Pastillas Girl’ Angelica Yap unveils ’secret room’ inside home with rapper Flow G

Huling ikinuwento ni Pastillas Girl ang pinagdaanan nila kamakailan ng kanyang boyfriend na si Flow G. Matatandaang nakatanggap sila ng kanyang nobyo na Flow G ng samu’t-saring pambabash dahil sa umano’y pangongopya sa kanta ng Korean group na BTS. 

 

 

“Sa mga namababash sa akin na mukha daw akong pera, this will be the last and first time na sasabihin ko ‘to sa inyo, I have my own money and hindi ko kailangan manghingi ng pera kahit kanino. At sa mga taong galit saken dahil sinasabi niyong kinokonsente ko si Archie, for the record, hindi ako ganyang klaseng partner. I will not tolerate something na alam kong mali. I’m not that kind of partner.

READ: BTS fans slam Ex Battalion members Flow G, Skusta Clee over alleged song plagiarism

“Kung ganyan ako klaseng partner, bakit pa ako nasa tabi niya? I’m a hundred percent sure na he didn’t do anything wrong. Pinagbibitangan siya sa isang bagay na hindi naman niya ginawa. And ako alam na hindi naman niya ‘yun ginawa.”

Panoorin ang kanyang vlog sa ibaba:  

Nakamit ni Angelica Jane Yap ang kasikatan bilang Pastillas Girl dahil sa It’s Showtime.