• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino, mas ginusto na maging manahimik noong panahong basag ang kanyang puso.

Kris Aquino: ‘I believe I’m still here because of my authenticity’

Kris Aquino, mas ginusto na maging manahimik noong panahong basag ang kanyang puso.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/18/2020 09:52 AM
Kris Aquino: ‘I believe I’m still here because of my authenticity’
Photo Credit: @krisaquino Instagram

Halatang masaya si Kris Aquino at parang nagdidiwang sa latest post niya sa kanyang social media accounts nitong Sabado, October 17.

I believe I’m still here because of my authenticity!” simulang bahagi ng kanyang post habang ipinapakita sa video na itinataas niya ang dalawang kamay na parang senyales ng isang malaking tagumpay.

Dugtong ni Kris, “Sometimes it got me into trouble, but with me, you’ve always known that what you see is exactly what you’ll get.


For most of my life, I’ve shared with you, the highest of my highs, and the absolute lowest of my lows—until this pandemic—when a part of me needed to shut down to get reacquainted with & strengthen the REAL me.

Mas ginusto rin daw muna niyang manahimik noong panahong basag ang kanyang puso.

“Mahirap i-fake na happy ka kung nabasag naman ang puso mo. Nakakahiya naman magbahagi ng sama ng loob pag alam mo na marami ang di hamak mas mabigat ang mga pinagdadaanan. Kaya nanahimik muna ako... nag promise sa sarili, babalik pag SURE na genuine ang ngiting ipapakita sa inyo,” katwiran ng Queen of all Media.

LOVE comes in many forms, and in many ways... during what the world continues to experience, like me, I’m sure maraming beses nyo ring inisip kung ano talaga ang nagbibigay sigla sa buhay ninyo, kung ano at sino ang may mahalagang pwesto sa puso ninyo. AND what is unexpected, what comes as a SURPRISE—well it can really make you believe that what’s meant to be shall always find a way.

“Pareho naman tayo, we’ve all had our share of heartbreaks & heartaches—but I still have faith, we all deserve to LOVE & BE LOVED,” lahad pa ng actress/TV host.

Sa huling bahagi ng kanyang post ay nabanggit ni Kris na ipakikilala na niya ang kanyang “now and forever.”

In just a few more days, you’ll get to meet my NOW & FOREVER. #KrisinLoveLoveLove

Teka, ano o sino naman kaya ang tinutukoy ni Kris na “now and forever” niya?