• Home
  • Fresh Scoops
  • Malaki naman ang pasasalamat ni Sarah sa ina nitong si Divine Geronimo na aniya’y ginawa ang lahat para sa kanya.

Sarah Geronimo: ‘Ngayon ko lang na-experience how to handle my own finances’

Malaki naman ang pasasalamat ni Sarah sa ina nitong si Divine Geronimo na aniya’y ginawa ang lahat para sa kanya.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/17/2020 04:43 PM
Sarah Geronimo: ‘Ngayon ko lang na-experience how to handle my own finances’
Photo Credit: @justsarahgph Instagram

Inamin ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na sa halos dalawang dekada niya sa industriya, ngayon lang umano niya natutunang hawakan ang sarili niyang pera. 

Ayon kay Sarah, na kinasal kay Matteo Guidicelli Pebrero nitong taon, napabilis ang kanyang pagtanda dahil sa mga bagay na kailangan niyang matutunan lalo pa’t siya na ang humahawak sa kinikita niyang pera. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ready na po ba ang holiday glam look niyo? 😊 @popstudioph #beYOUtifulwithPOP #BeautyFriendForever #yourBFF


A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph) on

To be honest, na-expedite ‘yung adulting ko,” saad ni Sarah sa panayam ng mga miyembro ng press para sa insurance company na Manulife. 

READ: Wondering how rich Sarah Geronimo is? Here’s an estimate

Pagbabahagi ni Sarah sa kanyang mga natutunan: “Ngayon ko lang na-experience how to handle my own finances, how to budget, how to invest.” 

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo, ang naghahawak ng mga kinikinita ng singer-actress sa simula pa lang ng kanyang karera. 

Bagama’t balot sa kontrobersiya ang kanilang relasyon bilang mag-ina, puno pa rin ang pasasalamat ni Sarah mommy niya, na aniya’y gagawin ang lahat para sa kanilang pamilya. 

“Ang mama ko po talaga kung kaya niya gawin lahat, gagawin niya para sa mga anak niya, para lang hindi maistorbo ang mga anak niya. Ganun siya ka-loving sa mga anak niya, so ngayon natututunan ko na lahat, with the help of my husband,” aniya. 

READ: Relationship counselor reveals Divine started scuffle at Sarah-Matteo wedding: 'She was ready for a fight'

Aminado naman si Sarah na sa loob ng maraming taon, naka-depende siya sa kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Tatay Delfin.  

I grew up na very dependent talaga sa aking parents, kasi talagang grabe naman talaga mag-alaga ang aking mama and daddy. I keep reminding myself now na hindi na ako single. I have to accept na hindi na ako single,” saad ni Sarah. 

READ: Ai-Ai Delas Alas, minsan nang napagbintangan ni Divine Geronimo

Gayunpaman, alam ni Sarah na iba na ang prayoridad niya sa buhay lalo pa’t nasa yugto na siya ng pagbuo ng sarili niyang pamilya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#BFF @popstudioph, adding color to my happy moments ❤️ #beYOUtifulwithPOP #BeautyFriendForever #yourbff

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph) on

“Iba na ang priority ko sa buhay, my priority now is my husband kasi yun ang reality ng buhay ng pag-aasawa, na ang priority na is your husband and the family that you will be building with your husband,” sambit ni Sarah. 

Matatandaang napuno ang tensyon ang kasal nina Sarah at Matteo nitong taon matapos umano mag-gatecrash ng ina nito sa kanilang kasal.

READ: Vic Del Rosario confirms Sarah Geronimo cried at wedding party due to mother gatecrashing

Sa ngayon ay di pa din bukas ang bawat kampo na pagusapan kung naayos na ba ang gusot sa pagitan ni Sarah at kanyang ina.