• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin rin ni Janine Berdin na marami pang maaring mabago sa kaniyang look in the next coming months.

After magpa-nose job, may plano pa bang magpa-retoke si Janine Berdin?

Inamin rin ni Janine Berdin na marami pang maaring mabago sa kaniyang look in the next coming months.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/17/2020 12:42 PM
After magpa-nose job, may plano pa bang magpa-retoke si Janine Berdin?
Photo credit: @ml_salon_and_spa Instagram

Matapos ang naging trending new look ni Janine Berdin, bakas na bakas na ngayon ang saya at ningning sa mukha ng singer.

TINGNAN: Janine Berdin, sumailalim nga ba sa beauty enhancement?

Matatandaan na inamin ng singer sa isang episode ng Gabing-Gabi na Vice na sumailalim nga siya sa isang beauty enhancement procedure kung saan inilahad niya ang pagpapa-ayos ng kaniyang ilong.


WATCH: Gabing Gabi Na Vice: EXCLUSIVE Interview with Janine Berdin

Kasunod nito, naging tanong naman ngayon kay Janine ay kung may plano pa ba siya ipa-ayos sa kaniyang sarili after admitting na sumailalim nga siya sa nose job.

Actually, wala na po talaga, wala na po ito po talaga ang biggest insecurity ko, ayun wala na pong plans,” tugon ni Janine sa panayam ng Cinema News Home edition.

Sa naging panayam rin inilahad ni Janine ang kaniyang dahilan kung bakit siya nag0-desisyon na ipaayos ang kaniyang ilong.

“Ang number one reason ko po talaga is for myself. Kasi parang nakikita ko po na nag-rereflect talaga sa ginagawa mo kung happy ka sa sarili mo or hindi and parang gusto ko po kasing ipakita rin na love ko rin ang sarili ko kasi ang dami pong mga supporters na nagpapakita po ng love nila para sa akin tapos ako parang hindi ko ma-love ang sarili ko. So, ayun talaga ang goal ko self-love,” sabi pa ng singer.

At para sa kaalaman ng lahat, inamin rin ng singer na matagal na rin umano niyang plano na ipaaayos ang kaniyang sarili.

“Sobrang tagal ko na po talaga itong gustong gawin. It’s been a year nung pina-plano ko ‘to, nag-search ako, nag-educate ako ng self ko, para maging ready ako sa procedure itself. So it’s been a year of planning lang po pero I always wanted it before pa lang po,” lahad pa niya.

Dahil fresh na fresh pa after beauty enhancement, kuwento pa ni Janine na marami pa ang magbabago sa kaniyang look in the next coming months.

I had it done po dito po sa Manila, and kailan it’s been three weeks. Three weeks ago pa lang po. Hindi pa po talaga ito yung final kasi namamaga pa rin daw po ito pero sobrang excited na po talaga ako noon kaya napa post po ako ng picture kasi sobrang na-happy na po ako sa itsura ko,” aniya.

Patuloy pa ng singer: “Ito po especially dito sa tip, nung first week ko po kasi yung buong face ko po kasi surgery namamaga po. Pero ngayon, nag subside na po sa face ko and yung maga na lang po ay nandito sa tip ko mismo. So kung tama po ang term ko, mawawala daw po ‘yung swelling. And yung final look po ay makikita ng six months to one year,” paliwanag niya habang inilalarawan ang kaniyang new look.

At kung marami naman ang mga nagpahayag ng kani-kanilang mga saloobin kay Janine sa social media, isa lang naman ang pinagkukunan ng lakas ngayon nga singer. Ang kaniyang pamilya na suportado siya sa naging desisyon.

“Yung parents ko naman, sobra po ‘yung support nila. Parang hindi po nila pinaramdam sa akin na I have to be ashamed na I wanted to do it, pero ‘yung parents ko din po ang parang nag-remind sa akin na I really didn’t need, pero na-understand po nila kung bakit ginawa ko po. Support lang talaga sila, number 1 kaya thank you so much to my family,” pahayag pa ng singer.

RELATED STORY: Janine Berdin, inaming natakot makalimutan ng fans

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Janine sa It’s Showtime live updates at soon sa ASAP Natin ‘To na napapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at A2Z Channel 11.