• Home
  • Fresh Scoops
  • Binili pa umano ni Vice Ganda sa bansang España ang mamahaling bathtub para sa kanyang bagong bahay.

PANOORIN: Vice Ganda, ipinasilip ang walk-in closet, bathtub na nagkakahalaga ng 800,000

Binili pa umano ni Vice Ganda sa bansang España ang mamahaling bathtub para sa kanyang bagong bahay.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/16/2020 08:35 AM
PANOORIN: Vice Ganda, ipinasilip ang walk-in closet, bathtub na nagkakahalaga ng 800,000
Screenshot from Vice Ganda YouTube Channel

Maliban sa sariling elevator at swimming pool na gawa sa glass, mayroon ding malawak na walk-in closet at bathtub na nagkakahalaga ng 800,000 ang bagong bahay ni Vice Ganda. 

Sa pagpapatuloy ng ‘new valur tour’ ni Vice Ganda, ipinasilip ng komedyante ang iba’t-ibang silid na matatagpuan sa ikalawang palapag ng kanyang bahay kabilang na ang kanyang walk-in closet na mas malaki pa sa sarili niyang kwarto. 

WATCH: Vice Ganda gives a tour of his new house


Ayon kay Vice, ang nasabing walk-in closet ang paglalagyan ng kanyang iba’t-ibang koleksyon ng sapatos at damit. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ang haggard ko naman dito!!! Haaaay!!!

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

“Ito ang pinakamalaking area yata dito sa bahay. Mas malaki pa sa master’s bedroom,” saad ni Vice. 

Ikinuwento naman ni Vice na nagkakahalaga ng walo na daang libong piso ang kanyang batthub na galing pa sa bansang España. 

“Ito ang mahal-mahal nito. Ewan kung bakit ako napapayag akong bilhin ’tong bathtub na ‘to,” ani Vice. Dagdag pa ni Vice: “Galing ‘to sa Spain. Tapos 800,000 siya na hindi ko alam kung bakit ako napapayag na magbayad ng 800,000 na bathtub.” 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ganda ka?!

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

Paliwanag ni Vice, may kasamang shower na nag-iiba ang kulay nang binili niya ang nasabing bathtub.

“Kasi ang rason daw [kasama ang shower na thermostat]. Ibig sabihin ]’yung temperature niya natitimpla on your own]. Tapos ‘yung tubig niya may ilaw. Umiilaw ‘yung shower depende sa kung ano ang gusto kong kulay,” ani Vice. 

READ: Vice Ganda on ‘having it all’: ‘No one can say na nasa akin na ang lahat’

Biro naman ng It’s Showtime host: “Pero ba’t kasi talaga 800,000 ‘to? Hindi ko talaga ‘to matanggap. Gusto ko na nga yan isoli eh. Pero hindi na daw pwede kasi galing pa sa Spain. Feeling ko nabudol ako on that part.” 

Panoorin ang vlog ni Vice sa ibaba: 

Ipinasilip din ni Vice ang kanyang kwarto na mayroong 120-inch na telebisyon at kama. 

Kasalukuyang nangunguna sa listahan ng mga top trending videos ngayon sa YouTube ang bagong vlog ni Vice. 

Mayroon nang tatlong milyong subscribers si Vice sa YouTube. At bilang pasasalamat, mamimigay umano siya ng cash prizes na aabot sa 120,000. 

Saad ni Vice: “May makaka-achieve ng chugug na ayuda bilang pa-ZENKYOOOW sa aking 3M YouTube subscribers. MEME-migay ako ng Php120,000.00 worth of cash prizes! Chugug!”