• Home
  • Fresh Scoops
  • Retiradong aktres na si Anna Marie Gutierrez buhay na buhay sa New York.

Scorpio Nights star Anna Marie Gutierrez biglang nagpakita sa social media pagkatapos ng death hoax

Retiradong aktres na si Anna Marie Gutierrez buhay na buhay sa New York.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/15/2020 03:19 PM
Scorpio Nights star Anna Marie Gutierrez biglang nagpakita sa social media pagkatapos ng death hoax
Photo Credit to Anna Marie Gutierrez Facebook

Biglang naging aktibo sa Facebook ang retired actress na si Anna Marie Gutierrez pagkatapos kumalat ang balita na namatay na siya.

Nag-friend request siya sa amin just recently and after namin siyang i-confirm ay kaagad na rin naming kinuha ang reaksyon niya tungkol sa pagkalat ng death hoax about her.

Sabi ni Anna Marie sa amin, “I’m shocked, but what can I do? That’s why I created this FB account for them to know that I am very much alive!”


Nag-alala rin sa kanya ang iba pang mga kaibigang artista including Daria Ramirez sa fake news na pumanaw na siya.

Anna Marie was one of the finest actresses during the ‘80s. Isa sa kanyang most remarkable films ay ang controversial na Scorpio Nights ni Peque Gallaga na ipinalabas noong 1985.

Unang ipinakilala si Anna Marie sa comedy film ni Dolphy bilang isa sa Dolphy’s Angels noong 1980.

Pagkatapos niyang gawin ang kontrobersyal na Scorpio Nights ay nagbida rin siya sa mga pelikulang. Magkayakap sa Magdamag (1986), Unfaithful Wife (1986), Huwag Pamarisan: Kulasisi (1986), Takaw Tukso at maramipang iba.

Kasalukuyang naninirahan si Anna Marie sa Larchmont, New York kasama ang kanyang anak na babae.

Si Anna Marie ay itinuturing ding Sex Goddess nung dekada ‘80.