Kris Aquino excited to shoot a webisode with Dimples Romana and Angel Locsin

Balik sa paggagawa ng webisodes si Kris Aquino.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/15/2020 11:52 AM
Kris Aquino excited to shoot a webisode with Dimples Romana and Angel Locsin
Photo Credit: @dimplesromana and @krisaquino and @therealangellocsin Instagram

Hindi TV show ang bagong project na tinutukoy ni Kris Aquino sa kanyang social media account kundi sa isang partnership sa isang sikat na brand.

Ang nabanggit lang niya nung una ay ginawa niya ito sa labas ng bahay kaya kinailangan niya at ng kanyang team na magpa-swab test bago ito gawin para masiguradong wala silang COVID-19 virus.

“For now, this quote is as much as I can say, BUT very soon I can share with you my latest FAITH reaffirming journey,” direktang pahayag niya sa kanyang followers.


"The sharing of this experience shall be meaningful because I feel you and I connect in so many ways… so many of you must also be questioning the hows and the whys of life at this point of our lives,” dagdag pa niya.

Sa bagong post ni Kris sa Instagram ay ibinahagi niyang nakatanggap siya ng bouquet of flowers mula sa Unilever Philippines at card na merong nakasulat na “Welcome to the Family.”

“Tomorrow because you said you missed my uploads, we’re shooting new cooking videos for my Lady’s Choice Family.

“I am so very grateful for the continued trust of @unileverphilippines (it’s our 3rd Christmas); AND I’m looking forward to a very exciting journey with my new brand partner.

“I’ll repeat, okay? Please keep hoping, keep praying, keep believing, and keep loving,” caption niya sa IG.

Dagdag niyang post, “May I add—THANKS to all of you kung hindi naman kayo patuloy na nagtiwala at sumuporta, hindi ko rin mararanasan ‘yung blessings na dumarating ngayon sa buhay ko.”

Kris is back doing webisodes at sa bagong video niya ay kasama  niya si Bimby at ang kaibigang si Atty. Gideon Pena.

“Counting my KrisTV years, this is our 5th Christmas with Lady’s Choice. we had a zoom reunion w/ @darla, and @attygideon joined us. I edited a sneak peek for all of you from our #MakasamaNgayongPasko shoot from earlier today,” lahad ni Kris.

Excited din niyang ibinahagi na makakasama niya sa susunod na webisode for the same brand partner ang mag-best friend na sina Dimples Romana at Angel Locsin.

Caption ulit ni Kris, “I have 1 more very special Lady’s Choice webisode left to shoot later this month with @dimplesromana & @therealangellocsin.

“Maraming salamat @unileverphilippines sa patuloy na pagtitiwala. #grateful.”