• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakatakdang tumanggap ng award si director Louie Ignacia mula sa International Film Festival Manhattan.

EXCLUSIVE: Louie Ignacio, tatanggap ng international lifetime achievement award

Nakatakdang tumanggap ng award si director Louie Ignacia mula sa International Film Festival Manhattan.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/15/2020 11:17 AM
EXCLUSIVE: Louie Ignacio, tatanggap ng international lifetime achievement award
Photo Credit: @direklouieignacio Instagram

Hindi mapipigil ng pandemya ang pag-marka ng pangalan ng direktor na si Louie Ignacio sa loob at labas ng bansa.

Kasunod ito ng pagkilalang nakatakdang tatanggapin ng direktor sa 10th International Film Festival Manhattan bilang lifetime achievement awardee para sa kanyang ontribution bilang direktor sa TV at pelikula sa loob ng 25 taon.

 


 

Sa ating panayam, ibinahagi ni direk Louie ang kanyang pakiramdam para sa pagkilala na ito ng isang international organization.

“Pag sinabing Lifetime achievement award parang malaking bagay at responsibilidad sa binibigyan. Kaya bigla akong natakot pero sobra ang kasiyahan dahil sa napakaraming filmmakers sa buong mundo ay isa ako sa napili ng International Film Festival Manhattan, NYC na maging awardee ngayong 2020,” sabi pa ng direktor.

Bilang lifetime achievement awardee, aminado si direk Louie na isa itong hamon para sa kanyang mga susunod na gagawin bilang isang direktor.

“Malaking hamon ito para sa akin bilang filmmaker lalo na dito sa Pilipinas. Hamon sa paggawa pa ng mga makabuluhang pelikula para sa mga manonood. Nagpapasalamat ako sa festival director, Mr. Luis Pedron, na naniwala sa akin bilang director. Ang IFFM ang isyang nagbigay ng kauna unahang Best Director award ko sa pelikulang Asintado kaya mahal ko ang festival na ito,” sabi pa niya.

Dahil humaharap sa pagsubok ang buong mundo dahil sa COVID-19, inamin rin ng direktor na isang hamon rin bilang filmmaker ang pag-ahon ng ngayon ng pelikulang Pilipino.

“Dumating ang pandemiya kaya sa panahon ngayon ay lalong malaki ang katanungan kung paano na ang industriya ng pelikulang Pilipino. Sa ngayon ay nakikipaglaban ang industriya. Isa ako na umaasa at makakagawa pa ng maraming pelikula upang huwag magtuluy tuloy ang pagkawala ng industriyang itol,” sagot pa niya sa atin.

Nauuso man ang digital streaming, hindi pa rin aniya ito sapat para sa industriyang lubos na apektado ng pandemya.

“Iba pa din ang panonood sa mga sinehan kung kaya’t sana ay magkaisa ang buong industriya at mga manonood na tangkilikin ang Pelikulang Pilipino. Huwag nating hayaang mawala nalang.”

At kasunod nga ng lockdown project ni direk Louie na Deep Expression na napanood sa iba’t ibang bansa, isang upcoming project muli ang nakatakdang tapusin ng direktor na tiyak tatatak muli sa mga puso ng manonood.

READ: Lockdown short film project ni Direk Louie Ignacio, mapapanood sa iba’t ibang bansa

“Sa ngayon ay may kakatapos ko lang gawing Pelikula under Heaven’s Best production na pinagbibidahan ni Ken Chan at Rita Daniela at isa pang indie film under BG Films International. Maraming salamat po at Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!” pahayag pa niya.