• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila di na kilala ng mga netizens ang orihinal na kumanta ng ‘Lipad ng Pangarap’ na ginagamit sa Tiktok.

Dessa, nagtampo sa netizens?

Tila di na kilala ng mga netizens ang orihinal na kumanta ng ‘Lipad ng Pangarap’ na ginagamit sa Tiktok.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/15/2020 05:24 PM
Dessa, nagtampo sa netizens?

Trending pa rin ngayon sa Tiktok at ibang social media platforms ang “Lipad ng Pangarap” challenge kung saan nakakatuwaan ng netizens ang mag lip sync kasabay ng birit na kanta (na unang pinasikat ni biritera diva na si Dessa) habang ibinabato sa kanila ang iba’t-ibang gamit na sinasalo.

Pero sa status ng original singer ng kanta na si Dessa, tila may bahid ng pagtatampo ang singer dahil kapag natatanong ang mga gumawa ng “Lipad ng Pangarap” challenge kung sino ang original singer nito ay karamihan hindi nila alam ang isasagot.

Sa status ni Dessa sa kanyang social media account, ito ang kanyang sinabi :


“Nakakatuwa yung mga kontisera na kumakanta ng Lipad ng Pangarap by Arnel De Pano kaya lang karamihan sa kanila, kapag tinanong sino kumanta,  deadma at hindi kilala kung sino original singer  nung kinakanta nila bwahaha kaloka . But then again ok lang din naman sakin bwahahaha. Deadma rin charot ”

Isa sa nag comment sa thread ay ang host na si John Nite at sinabi na dapat mas madalas i-perform ni Dessa ang “Lipad ng Pangarap” para muli ito tumatak sa kanya. at pabiro naman sumagot si Dessa na “Like I said, deadma na.”

Ang kantang “Lipad ng Pangarap” ay composed ng mahusay na artist na si Arnel de Pano at binigyan din ng markadong versions nina Angeline Quinto at Charice na kilala na ngayon as Jake Zyrus.