• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang bagong karakter ang dapat abangan sa pagbabalik ni Zaijian Jaranilla.

Zaijian Jaranilla, gaganap na beki sa bagong proyekto

Isang bagong karakter ang dapat abangan sa pagbabalik ni Zaijian Jaranilla.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/14/2020 03:03 PM
Zaijian Jaranilla, gaganap na beki sa bagong proyekto
Photo Credit: @zaijanjaranila Instagram

All set na para sa kaniyang bagong role ang dating child star na si Zaijian Jaranilla na bibida sa bagong proyekto ng Star Cinema ang Boyette (Not A Girl Yet).

Dito, bibigyang buhay ni Zaijian si Boyette na isang beki na tiyak na magpapangiti at mamahalin ng mga manonood.

Ayon kay Zaijian, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang role dahil sa magandang kuwento ng script nito na sinulat ng writer at director nito na si Jumbo Albano.


“Nung na-pitch po sa akin ni direk Jumbo po ‘yung movie, sobrang interesting po kasi gusto ko rin po maalis ‘yung image ko dati na Santino na kinapitan ng tao, gusto rin makita nila na kaya ko rin gumawa ng ibang role,” tugon ni Zaijian sa panayam.

Aniya, bilang isang aktor, isang hamon para sa kaniya ang gumanap sa isang karakter na malayo sa kaniyang tunay na personalidad.

“Gusto ko rin po siyempre na i-challenge ang sarili ko and I’m so happy po na nabigyan po ako ng ganitong opportunity. Sa tulong po ni direk Jumbo, nakagawa po kami ng isang napakaganda at solid na pelikula,” sambit pa ni Zaijian.

Dahil na rin sa sitwasyon ngayon dahil sa COVID-19, aminado ang aktor na extra effort ang pagbibigay buhay niya sa karakter ni Boyette.

“Sa totoo lang po, hindi po kami nagkaroon ng workshop kasi nagkaroon na rin po ng pandemic, ang hirap na din po mag workshop. Pero nung nasa set na po kami, sa tulong po ni Direk Jumbo, tapos ‘yung set namin puro po bading so tinutulungan nila ako na ganito ang gawin ko, lambutan ko pa. Sobra po ang tulungan namin, kaya ito po ‘yung kinalabasan,” saad pa niya.

At pagkalipas ang mahigit isang dekada matapos bigyang buhay ang karakter ni Santino sa May Bukas Pa na napanood noong 2009, isa lang rin ang gusto patunayan ni Zaijian ngayon sa pagtanggap niya ng iba pang mga karakter.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Dasal ni Santino kay Bro na iligtas tayo sa kumakalat na sakit #MayBukasPa 😇🙏

A post shared by zaijanjaranilla (@zaijanjaranila) on

 

“Parang feeling ko sa skin naman po, hindi naman po ako nahirapan. Parang ang sa akin gusto ko lang po na mabago ang tingin ng ibang tao na hindi lang ako habambuhay na si Santino, pwede rin po ako sa ‘Boyette’ ganyan parang ‘yun din po ang gusto ko ma-achieve,” sabi pa niya.

Tulad ng karamihan isa rin si Zaijian sa mga young showbiz personality na dumaan rin sa awkward stage. Pero, iba ang naging proseso na ito para sa aktor.

“Dumaan po siya, pero sobrang saglit lang po. Kasi ‘yung time po ng kabataan ko parang hindi ko po siya masayado na-enjoy na hindi ako basta basta nakakalabas ng ganyan. So parang nung naisipan ko po na mag lay-low muna ako,” aniya pa. “Pero ang ABS-CBN po kasi, hindi rin po nila ako pinabayaan kahit paano, binibigyan nila ako ng MMK, Ipaglaban Mo, so parang hindi naman din po ako nawala totally,” pahayag pa ng aktor.

 

 

Bukod kay Zaijian, makakasama rin sa Boyette sina Inigo Pascual at Maris Racal sa direksyon ni Jumbo Albano.

Mapapanood ang Boyette (Not A Girl Yet) soon sa iWant TFC at iba pang digital streaming platforms.