• Home
  • Fresh Scoops
  • Todo bigay sa pagsayaw ang aktor na si Jericho Rosales sa kanyang dance cover ng kantang "Always."

PANOORIN: Jericho Rosales sinayaw ang 'Always'

Todo bigay sa pagsayaw ang aktor na si Jericho Rosales sa kanyang dance cover ng kantang "Always."

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/14/2020 04:50 PM
PANOORIN: Jericho Rosales sinayaw ang 'Always'
Screenshot from @jerichorosalesofficial Instagram

Todo bigay sa pagsayaw ang aktor na si Jericho Rosales sa kanyang dance cover ng kantang "Always."

Sa Instagram, mapapanood ang aktor na game na game na isinasayaw ang classic hit ng bandang Erasure na ipinasikat naman ng iconic Pinoy dance group na Universal Motion Dancers (UMD) noong 1990s.

 


 

"Fun fact: napakamot UMD sa akin dati hehehe," sinabi ni Jericho sa kanyang post.

Pinasalamatan naman niya si Yexel Sebastian, toy collector at dating miyembro ng isa pang sikat na dance group na Streetboys, sa pagturo sa kanya ng sikat na choreography ng UMD ng "Always."

Sa ngayon ay nasa higit sa 360,000 na ang nag-view at 81,000 ang nag-"like" ng kanyang post.

Huling napanood si Jericho sa seryeng Halik noong Abril.

Matapos ang tagumpay ng nasabing palabas, inamin ni Jericho na nais na niyang tumigil sa paggawa ng mga soap opera upang i-"repackage" ang kanyang sarili. Ngunit ayon sa aktor, hindi ito ibig sabihin na titigil na siya sa pag-arte.

READ: Jericho Rosales: “I don’t want to do soap [operas] anymore”​

Bago ang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, ibinalita na magbabalik telebisyon ang aktor sa bagong serye sa ilalim ng RGE Drama, ang production group sa likod ng mga palabas na MMK, Pamilya Ko, at ang paparating na Bagong Umaga.