• Home
  • Fresh Scoops
  • Malapit nang mapanood ang kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant.

Miss Universe Philippines, mapapanood sa KTX.Ph

Malapit nang mapanood ang kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/14/2020 08:54 AM
Miss Universe Philippines, mapapanood sa KTX.Ph

Isang magandang balita para sa mga pageant fans ang hatid ng livestreaming platform KTX.ph kung saan mapapanood ang kabuuan ng inaabangan na Miss Universe Philippines 2020.

Simula sa preliminarily competition na gaganapin sa October 23 at coronation day sa October 25, mapapanood ng mga pageant fans sa kani-kanilang mga gadgets ang inaabangan na unang edisyon ng Miss Universe Philippines.

Miss Universe Philippines 2020 Preliminaries Events


Miss Universe Philippines 2020 Pageant Night Events

Sa halagang P99 bawat access, maari ng magbigay ng suporta mula sa kani-kanilang mga tahanan ang mga supporters para sa kanilang mga paboritong kandidata na kalahok sa prestigious national beauty pageant.

Maari rin magpaabot ng kanilang cheer online dahil sa built-in live chat function ng KTX.ph.

Sa oras na 9 ng umaga ng October 25, makikilala na ang bagong Miss Universe Philippines kung saan inaasahan ipapasa ni Gazini Ganados ang kanyang korona.