• Home
  • Fresh Scoops
  • Bukod sa pagiging aktres, bagong journey ngayon ang haharapin ni Jodi Sta Maria.

Jodi Sta Maria, in love nga ba ngayon?

Bukod sa pagiging aktres, bagong journey ngayon ang haharapin ni Jodi Sta Maria.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/14/2020 06:05 PM
Jodi Sta Maria, in love nga ba ngayon?
Photo credit: @jodistamaria IG

 

 


Tanging matamis na halakhak at tawa lang naging sagot ng aktres at businesswoman na si Jodi Sta Maria sa naging tanong ng press kung in love nga ba siya ngayon.

Kasunod ito ng pinag-usapan na mga retrato ni Jodi kasama si Raymart Santiago kung saan makikita ang tila pag-amin na ng dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

WATCH: Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria, inilantad na ang kanilang relasyon | PUSH Daily​

Sa panayam ng press kay Jodi sa naganap na digital press conference para sa kaniyang bagong business venture sa BFC laboratory bilang isa sa co-founder ng Healthy Fix supplements, isa sa naging bahagi ng usapan ay kung ano pa nga ba ang mga rason niya para mag step-up pa sa ibang larangan tulad ng pag ni-negosyo.

“You know what, at the end of the day I believe to tell you honestly, it’s no longer what I want to achieve in life e’. Parang its coming from a realization that it is more to life than just me or life revolving around myself,” tugon ni Jodi sa panayam.

As a self-made woman na ngayon sa kaniyang edad na 38, wala na rin daw nakikita pang hiling ang aktres kundi ang makatulong sa kapwa sa kahit na anong paraan.

“At this point parang ang iniisip ko na lang is what can i do to make a difference sa buhay ng kapwa tao ko, how can I inspire change, or how can I, you know, make life better for who wants to make their lives better,” aniya pa.

At para kay Jodi, ang pag-sisimula ng negosyo ang isa sa magandang paraan para simulan ang pagtulong sa isang tao.

“Andoon na ako, hindi na ako ‘yung gusto ko ng ganito, gusto ko ma achieve ang ganito. At the end of the day, it’s no longer about your achievements or your money. It’s really about whether or not, you have made a difference in a life of one person. And you can do for one, of you cannot do for all.”

Naitanong din kay Jodi kung ano pa ang kanyang goals para sa sarili.

“For me? I think whatever I’m doing now naman it’s no longer for myself na e’, especially with Healthy Fix. Talagang its offering a helping hand to those who need it. ‘Yun din naman talaga ang code ng business namin, ang makapagbigay ka ng maganda at dekalidad na produkto and at the same time, ang makapag-bigay ka ng business opportunity sa mga nangangailangan at sa mga gustong mag-negosyo,” pahayag ng aktres.

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Jodi sa Ang Sa Iyo Ay Akin sa Kapamilya online live, Kapamilya Channel at A2Z Channel 11.