• Home
  • Fresh Scoops
  • Naka-lock-in para sa taping si Sunshine Cruz kaya di niya nakasama si Macky Mathay sa kaarawan nito.

Sunshine Cruz inaral ang kanta ni Dina Bonnevie para iregalo sa 41st birthday ni Macky Mathay

Naka-lock-in para sa taping si Sunshine Cruz kaya di niya nakasama si Macky Mathay sa kaarawan nito.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/13/2020 04:18 PM
Sunshine Cruz inaral ang kanta ni Dina Bonnevie para iregalo sa 41st birthday ni Macky Mathay
Photo Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Naka-lock-in sa set si Sunshine Cruz para sa taping ng Bagong Umaga series ng ABS-CBN kaya hindi niya makakasama ang boyfriend na si Macky Mathay sa mismong birthday nito noong October 10.

“Happy Birthday my Macky! Sorry I can’t be with you today but we will celebrate soon!” mensahe niya sa kasintahan.

“I prepared a simple gift for you. I know you love this song and gusto mong kantahin ko ito that is why inaral ko especially for you. Sana magustuhan mo,” dagdag niya.


Ang kantang inaral at ipinost ni Sunshine sa kanyang Facebook account bilang regalo kay Macky ay ang classic love song na “Bakit Ba Ganyan” na pinasikat noon ni Dina Bonnevie at sinulat naman ni Vic Sotto.

 

 

Narito ang nakakakilig na lyrics ng kanta:
Bakit ba ganyan
Ang ibig ko'y lagi kang pagmasdan?
Umula't umaraw ay hindi pagsasawaan
Ang iyong katangian
Damdamin ko'y ibang-iba kapag kapiling ka, sinta
Ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan?
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita'y makilala
Bakit ba ganyan
Kung minsan ay nauutal sa kaba
Kapag ika'y kausap na?
Ngunit lumalakas ang loob kung ikaw ay nakatawa
Ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan?
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita'y makilala (oh)
Ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan?
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita'y makilala
(Bakit ba ganyan, hah)

“Happy 41st Birthday Macky! Know that you are loved and appreciated. I am truly blessed to have someone like you in my life. I love you!” huling mensahe niya kay Macky.

READ: Sunshine Cruz shares nine memorable photos with boyfriend Macky Mathay on their fourth anniversary

Four years na ang relasyon ni Sunshine at Macky. Si Macky ay ang half-brother ni Ara Mina.