• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanatiling tahimik si Pia Wurtzbach sa kaniyang mga social media accounts matapos ang mga naging patutsada ng kaniyang kapatid na si Sarah Wurtzbach.

Matapos ang patutsada ng kapatid, kampo ni Pia Wurtzbach may pakiusap

Nanatiling tahimik si Pia Wurtzbach sa kaniyang mga social media accounts matapos ang mga naging patutsada ng kaniyang kapatid na si Sarah Wurtzbach.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/13/2020 03:21 PM
Matapos ang patutsada ng kapatid, kampo ni Pia Wurtzbach may pakiusap
Photo Credit: @piawurtzbach Instagram

“This is a family matter so we respect their privacy. We pray for a peaceful reconciliation and healing for all concerned. Thank you!”

Ito ang naging pahayag ng Business Manager ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach na si Rikka Fernandez sa PUSH.

Kasunod ito ng mga naging pahayag ng kapatid ni Pia na si Sarah Wurtzbach sa social media laban sa kaniyang beauty queen na ate na umano’y may pangit na ugali.


Bukod kay Pia, pinatutsadahan rin ni Sarah ang kanilang ina na si Cheryl Alonzo.

READ: ‘Ang baho ng ugali mo’: Sister tells Pia Wurtzbach in controversial posts

Matatandaan na kamakailan lang, masaya pang ipinagdiwang ni Pia ang kaniyang birthday sa London kung saan ang kapatid na si Sarah pa ang naging punong abala para sa kapatid.

 

 

READ: Pia Wurtzbach’s surprise birthday party in London

Sa naging guesting ni Pia sa Magandang Buhay matatandaan na si si Sarah ang kaniyang naging inspirasyon sa pag-abot ng kaniyang pangarap na maging Miss Universe.

"[She stayed] strong for me kahit 'yung mga panahon na akala ko ay hindi ako mananalo ever. Siya 'yung nag-push sa akin na sumali ulit. Nasa UK na ako noon, natalo na ako ng dalawang beses and siyempre 'yung financial situation ko rin noon ang hirap na. Talagang sabi niya go umuwi ka, i-try mo ulit," sabi pa ni Pia.

Makikita rin sa panayam ang closeness ng magkapatid kung saan inilarawan pa ni Sarah si Pia bilang kanjyang "anti-depressant" at "happy pill."

"Without her I feel like I cannot make it in life, she said. "Kahit may family na ako at may mga anak na ako, iba pa rin 'yung pagmamahal ko sa kanya,” pahayag pa ni Sarah.

Sa ngayon, nanatiling tikom ang 2015 Miss Universe sa naging patutsada sa social media ng kaniyang kapatid.