• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling binalikan nina Maja Salvador at kanyang nobyo na si Rambo Nunez kung paano nagsimula ang kanilang matamis na pag-iibigan.

‘Mas naba-balance na namin’: Maja Salvador at Rambo Nuñez ipinaliwanag ang pagkakaiba ng relasyon noon at ngayon

Muling binalikan nina Maja Salvador at kanyang nobyo na si Rambo Nunez kung paano nagsimula ang kanilang matamis na pag-iibigan.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/13/2020 12:38 PM
‘Mas naba-balance na namin’: Maja Salvador at Rambo Nuñez ipinaliwanag ang pagkakaiba ng relasyon noon at ngayon
Photo Credit: @rambonunez Instagram

Makalipas ang sampung taon, muling binalikan ni Maja Salvador at kanyang nobyo na si Rambo Nunez kung paano nagsimula ang kanilang matamis na pag-iibigan. 

Sa panayam ni Robi Domingo para sa Star Magic Lounge, ibinahagi ng aktres na una niyang nakilala si Rambo matapos niyang manood ng concert ni Sarah Geronimo.

 


 

“Ang version ko kung paano nag-start ang love story namin, galing ako sa concert ni Sarah G and then after nun, kumakain kami sa isang restaurant tapos silang dalawa ni Marco magkasama noon. Doon kami unang nag-meet. Dun nag-start ang lahat. Tinext niya ako,” ani Maja.

Matapos nito ay muling nagkasama ang dalawa sa isang group date.

"Nung may pinuntahan kami, ang nangyari it was like a normal night out. Hindi naman siya planado talaga. Nagkayayaan lang. Ang nangyari, ihahatid siya, ako na nag-offer kasi malayo. Nasa Makati kami tapos sa Marcos Highway. It’s a drive so ako na ang nag-offer,” kwento ni Rambo.

Pag-amin ni Rambo, naging masakit para sa kanya ang naging hiwalayan nila noon ng aktres.

"To be perfectly honest, yes," sagot ni Rambo, na sinasabing presidente ng isang PR company, nang tanungin kung umiyak ba siya matapos ang kanilang hiwalayan. "Kasi biglaan siya, eh. Before, it wasn't just the right time, but everything else was perfect... Parang wala namang mali... okay naman lahat, but it had to end."

Ayon naman kay Maja, simula noon ay nawalan na sila ng komunikasyon ni Rambo.

"Wala talaga. Pero parehas kami na may communication with family," paglinaw ni Maja. "May communication ako with family niya, tapos siya meron din. Not always.”

Nang tanungin naman kung mayroon ba silang pagsisisi sa kanilang nakaraan, sagot ni Rambo: "Wala naman kasi everything happens for a reason. 'Yung sa kanya rin, 'yung career niya din baka it didn’t pan out the way it did. Nandito naman kami ngayon so I guess it was for the right reason."

Ipinaliwanag din ni Rambo kung ano ang pagkakaiba ng relasyon nila ni Maja noon at ngayon.

"Right now, mas naba-balance na namin. If before, it was always work, work, work, ngayon we can already afford in terms of responsibilities nga to even go off work for a week para maka-travel. Yun naman ang nagpapasaya sa relationship, you can do stuff together,” aniya.

Panoorin ang buong panayam dito:

Kamakailan lang ay lumipad patungong Amanpulo, Palawan ang dalawa upang gunitain ang ika-32 kaarawan ni Maja.

READ: Maja Salvador celebrates her 32nd birthday in Amanpulo, Palawan

Marso noong nakaraang taon nang unang inamin ng aktres na nagkabalikan sila ng kanyang dating nobyo, siyam na taon matapos nilang magkahiwalay. 

Sa hiwalay na pahayam, sinabi ng The Killer Bride star na masaya siya sa naging desisyon nila ni Rambo na muling bigyan ng pagkakataon ang kanilang pagmamahalan.

“Kasi siguro hindi enough 'yung ilang months lang kami noon. Naudlot talaga. Tapos iba din 'yung love ng family niya na ibinibigay sa akin. Ilang beses kaming may random na pagkikita, may certain feeling na 'yung naramdaman mo dati, parang meron pa rin,” ani Maja.

Sa isang vlog nitong Hulyo, inamin din ni Maja na nakikita niya ang kanyang sarili na pakakasalan si Rambo balang araw.