• Home
  • Fresh Scoops
  • Negatibo na sa COVID-19 si Maria Isabela Galeria matapos ang pananatili sa quarantine facility sa Sorsogon.

Kandidata ng Miss Universe Philippines, negatibo na sa COVID-19

Negatibo na sa COVID-19 si Maria Isabela Galeria matapos ang pananatili sa quarantine facility sa Sorsogon.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/13/2020 02:28 PM
Kandidata ng Miss Universe Philippines, negatibo na sa COVID-19
Photo Credit: @mariaisabelagaleria Instagram

Okay na ang kalagayan ng kandidata ng Miss Universe Philippines na si Maria Isabela Galeria.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Escape the ordinary 🖤


A post shared by Maria Isabela Galeria (@mariaisabelagaleria) on

 

Kasunod ito ng kaniyang pag recover sa COVID-19 matapos niyang magpositibo sa virus na kaniyang kinompirma sa kaniyang social media noon.

READ: Kandidata ng Miss Universe PH 2020, positibo sa COVID-19

Sa uploaded na retrato ng Sorsogon Provincial Information Office sa social media account, isa ang Sorsogon beauty sa mga pasyente ng COVID-19 facility na tumanggap ng certificate na nagsasabing negatibo na siya sa virus.


Photo courtesy Sorsogon Provincial Information Office Facebook

Si Galeria ay isang aktibong nurse sa kanilang bayan sa Sorsogon. Isa rin ang Sorsogon beauty sa mga paborito ngayon ng pageant fans na makasungkit ng korona sa Miss Universe Philippines.

Balike pageant na din si Isabela kahit na katatapos pa lang niya ng 14-day quarantine period.

Sa katunayan, walang pinalagpas na pageant activity ang Sorsogon-based beauty queen sa mga naging online activities ng Miss Universe Philippines.

Sa darating na October 25, 2020 itutuloy ang unang edition ng Miss Universe Philippines na gaganapin sa Mall of Asia Arena.