• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi na maawat pa sa kanilang mga pasabog ang 48 kandidata ng unang edisyon ng Miss Universe Philippines.

TINGNAN: Mga kandidata ng Miss Universe Philippines, pasiklaban na sa kanilang swimsuit pictorial

Hindi na maawat pa sa kanilang mga pasabog ang 48 kandidata ng unang edisyon ng Miss Universe Philippines.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/12/2020 05:35 PM
TINGNAN: Mga kandidata ng Miss Universe Philippines, pasiklaban na sa kanilang swimsuit pictorial

Hindi na maawat pa sa kanilang mga pasabog ang 48 kandidata ng unang edisyon ng Miss Universe Philippines.

Sa bagong pictorial ng mga kandidata, sumabak sa swimsuit challenge ang mga dalagang Pilipina na tuloy tuloy pa din ang paghahanda para sa nalalapit ng coronation night sa darating na October 25.

 


They all brought their A Game in the swimsuit challenge. Nobody left any stone unturned just to make sure they create...

Posted by Miss Universe Philippines on Sunday, October 11, 2020

 

Nagkaroon man ng delay dahil sa COVID-19, mas lalong nabigyan ng pagkakataon ang mga kandidata na makapaghanda para sa kanilang nalalapit na laban sa Mall of Asia Arena.

Bukod sa latest swimsuit pictorial, sumabak na rin sa iba’t ibang online activities ang mga kandidata kabilang na ang mga endorsement shoots, glam shots, at ang Ring of Light kung saan nagkaroon ang mga kandidata ng pagkakataon na mabigyan ng tulong ang kanilang mga chosen beneficiaries

SILIPIN: Kandidata ng 2020 Miss Universe Philippines, patalbugan sa bagong pictorial​

Si Gazini Ganados ang reigning Miss Universe Philippines at inaasahan na magpapasa ng korona sa unang kandidata na magwawagi sa first edition ng Miss Universe Philippines.