PANOORIN: Bea Alonzo, sinagot ang tanong tungkol sa estado ng kanyang puso ngayon

Masaya umano ang estado ng puso ni Bea Alonzo ngayon.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/12/2020 09:46 AM
PANOORIN: Bea Alonzo, sinagot ang tanong tungkol sa estado ng kanyang puso ngayon
Screenshot from Bea Alonzo YouTube Channel

Game na sinagot ng Kapamilya star na si Bea Alonzo ang iba’t-ibang katanungang ipinadala sa kanya ng kanyang mga tagahanga kabilang na ang ilan na may patungkol sa kanyang buhay pag-ibig. 

 

 

Isa sa mga sinagot ni Bea sa ang tanong tungkol sa nalaman niya sa kanyang sarili matapos ang kanyang pinagdaanang pagsubok sa kanyang huling naka-relasyon. 

READ: Bea Alonzo, ipinagpapasa-Diyos ang kanyang pinagdadaanan

“That am I stronger than I think, that I am resilient, and that I can survive anything in life. And, that I am worthy,” saad ni Bea sa kanyang bagong vlog. 

Aminado naman ang 32 anyos na artista na isa sa mga “turning points” ng kanyang buhay ang pinagdaanang heartbreak noong nakaraang taon. 

“Right now, I’m fixing new beginnings. And I’m actually very excited for what’s in store for me — na every day I am learning, there is this intention to be better. I would pray na sana, this day would bring me more lessons in life, more wisdom,” saad ni Bea. 

READ: Bea Alonzo: ‘Yung mga tao na tinatawagan ang ex nila kasi lockdown...di pa ako umaabot doon’

Dahil sa kanyang ipinakitang katatagan, hindi naiwasan ng ibang fans na humingi ng tips kung paano mag-move on. 

Ani Bea, hindi ito madali. Gayunpaman, hindi daw dapat i-pressure ang sarili na patawarin agad ang taong nanakit sa kanila dahil darating din ang tamang panahon para rito. 

“Just do. It won’t come instantly, it won’t be easy but you just have to take it one day at a time and just acknowledge your feelings. If you’re still not okay, if you have not forgiven the person who hurt you, it’s okay because that day will come. Just trust the process,” sambit ni Bea. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

✨

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

 

Dagdag pa niya, hindi maiiwasan na maramdaman ang sakit at muling bumalik sa umpisa gaya umano ng nangyari sa kanya. 

“Kasi sometimes, we get caught up in a situation where parang feeling mo it’s so painful and parang hindi mo kaya and so you go back to stage one. Personally, ‘yun ‘yung nangyari. Parang I didn’t trust myself that I could do it,” saad ni Bea. 

Aminado naman si Bea mas maigi na lumapit sa pamilya at malalapit na kaibigan para matulungan sa nararamdamang sakit. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Vintage heart

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

 

“And narealize ko na kung inacknowledge ko ‘yung feeling na vulnerable ako that I need help from friends and family, baka mas nalagpasan ko siya earlier. Baka mas na-discount ko ‘yung masasakit na yugto ng buhay ko. Pero of course, I had to learn the hard way. But kung maiiwasan naman, sana maiwasan mo,” ani Bea. 

READ: Bea Alonzo breaks social media silence: ‘I was raised knowing that I am loved’

Nang tanungin tungol sa estado ng kanyang puso, sagot ni Bea: “Okay naman siya. Nag-eentertain siya, nagde-date siya. Open siya maging masaya.” 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Si Gerald Anderson ang huling nakarelasyon ni Bea Alonzo. Matatandaang dumaan ang dalawa sa kontrobersyal na breakup matapos umano magkaroon ng third party ng breakup nila. Agad naman itong pinabulaanan ng aktor.