• Home
  • Fresh Scoops
  • Taong 2012 nung naging pambato ng Pilipinas si Janine Tugonon sa Miss Universe.

Janine Tugonon, may special participation sa Miss Universe Philippines?

Taong 2012 nung naging pambato ng Pilipinas si Janine Tugonon sa Miss Universe.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/12/2020 02:37 PM
Janine Tugonon, may special participation sa Miss Universe Philippines?
Photo Credit: @tugononjanine Instagram

Ilang linggo bago ang coronation night para sa unang edisyon ng Miss Universe Philippines, isa-isa na rin naglalabasan ang mga pangalan na magkakaroon ng participation sa most awaited pageant sa bansa.

Ayon sa mga social media post ng pageant camp na Aces & Queens, isa sa mga expected na magkakaroon ng special role ay ang 2012 Miss Universe first-runner up na si Janine Tugonon.

 


 

Si Janine ay kasalukuyan na ngayong nasa United States kung saan siya naka base ngayon bilang isang ramp model.

Malayo man ngayon sa lime light ng pageant scene, hindi naman nakalimutan si Janine dahil na rin sa pag explore niya sa international fashion scene na nagbabandera ng gandang Filipina sa buong mundo.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Quick fun shoot 😎😁 📸 @gjgaudet

A post shared by Janine Marie (@tugononjanine) on

 

 

Isa rin ang 2012 Miss Universe first-runner up sa mga naging pambato ng Pilipinas sa isang dekada ng sweet victory ng bansa bago ang 2015 kung saan nasungkit ni Pia Wurtzbach ang titulo matapos ang 42 taon.

Bukod kay Janine, inaasahan na marami pang inihahandang pasabog ang Miss Universe Philippines sa nalalapit nitong coronation night ngayong darating na October 25.