• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Janine Berdin kay Vice Ganda na ipinagawa nito ang kanyang ilong.

‘Ginawa ko rin ‘yan sa sarili ko’: Vice Ganda, dinepensahan ang pagpapagawa ni Janine Berdin ng kanyang ilong

Inamin ni Janine Berdin kay Vice Ganda na ipinagawa nito ang kanyang ilong.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/12/2020 10:26 AM
‘Ginawa ko rin ‘yan sa sarili ko’: Vice Ganda, dinepensahan ang pagpapagawa ni Janine Berdin ng kanyang ilong
Screenshot from Vice Ganda YouTube Channel

Dinepensahan ni Vice Ganda si Janine Berdin matapos umani ng pambabatikos ang Kapamilya singer dahil sa kanyang “transformation.” 

 

 

Sa panayam ni Vice sa online show nitong Gabing-Gabi Na Vice, ikinuwento ni Janine Berdin ang totoong dahilan kung bakit siya nagpa-enhance ng kanyang mukha. 

READ: Janine Berdin, sumailalim nga ba sa beauty enhancement?

Ani Janine, ang insecurity dala ng pressure sa industriya ang nag-udyok sa kanya na magpa-enhance ng kaniyang mukha.

“Sobra pong na-iinsecure. Lalo na po dito sa industry natin. Parang ‘yung pressure po, ‘yung mga sinasabi ng mga tao. Kahit na ‘yung advice po ng marami ay ‘Wag mo nang pakinggan kasi singer ka naman, ‘yung tutukan naman talaga ‘yung voice mo.’ Pero naaapektuhan po talaga ko, Ate,” ani Janine. 

 

 

Binigyan naman ni Vice si Janine ng pagkakataon upang linawin kung anu-ano ang mga pinagawa ng singer sa kanyang mukha. 

Paglilinaw ni Janine, ilong lang ang kanyang pina-enhance. “‘Yung biggest insecurity ko po kasi ‘yung nose ko. So ‘yun po ‘yung pina-enhance ko. ‘Yung nose ko lang po,” saad ni Janine.

Nang tanungin ni Vice kung kailan ito nagpagawa, sagot ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 2 Grand Champion: “Bago pa lang. Actually, wala pa pong one month.” 

Dagdag pa nito: “Sabi ng mga friends ko, bakit ka nag-popost ng picture. Sabi ko excited na talaga ako. Parang ang saya ko po talaga every time I open my camera. Tapos ‘di ko po talaga napigilan ‘yung sarili ko na parang wala lang, ang saya ko lang po talaga.”  

 

 

Sa kabila ng pambabatikos, inamin ni Janine na masaya siya sa kanyang naging desisyon lalo pa’t marami ding tao ang masaya para sa kanya. 

“Sobrang happy na po talaga ko sa self ko ngayon. And wala, ‘yun lang po talaga ‘yung feeling ko ngayon. Ang happy happy ko the past few weeks lalo na po sa love na pinapakita ng mga tao. Nakaka-happy po. Sobra,” ani Janine. 

READ: Rhap Salazar, dinepensahan si Janine Berdin sa mga pambabatikos

Pagpapatuloy nito: “Kaya napapansin ko sa mga dating kong posts na parang kitang-kita ko po ‘yung difference. Kitang-kita po na hindi ako masaya sa dati. Kaya ‘pag pinapanood ko po ‘yung mga videos ko tsaka [tinitingnan] mga photos ko ngayon, ibang-iba pa. Hindi lang po sa hitsura kundi pati sa aura.” 

 

 

Samantala, dinepensahan naman ni Vice si Janine mula sa kaliwa’t-kanang pambabatikos na natatanggap nito online. 

“Alam mo, maraming magsasabi na ‘Mali si Janine Berdin. She should have felt happy about herself. Dapat tanggap niya ‘yung sarili niya. Dapat na-aappreciate niya ‘yung sarili niya. Kasi ‘yung laging linya na ‘Yan ‘yung binigay sa’yo ng Diyos eh, ba’t binabago mo?’ Makakarinig ka ng mga ganun,” saad ni Vice. 

 

 

Inihalintulad naman ni Vice si Janine sa regalo na aniya’y parang gift wrap lang ang ginawa nitong pagpapaayos sa mukha at ang mahalaga ay ang mabuti nitong kalooban. Dito, inamin din ni Vice na maging siya ay dumaan sa maraming enhancement sa mukha. 

“Pero ako naman, hindi natin masisisi si Janine. Ang sinasabi ko lang is, para sa akin, walang masama sa ginagawa mo. Kasi ‘yung katawan mo gift ‘yan. Pero ‘diba lahat naman tayo ‘yung regalo natin may kanya-kanya tayong choice kung paano natin babalutin ‘yung regalo? ‘Di ba ‘yung iba nilalagyan ng ribbon para mas maganda? ‘Yung iba bibiili ka ng mamahaling wrap para mas maganda,” saad ni Vice. 

READ: Janine Berdin, sinabing hindi dapat matakot sa pagbabago: ‘Do something to make yourself happy’

“Ako ginawa ko rin ‘yan sa sarili ko eh. Nagpagawa ko ng mata, nagpagawa ako ng pisngi, ng baba, ‘di ba? So choice natin kung paano natin ira-wrap ang mga sarili natin. Pero ang malinaw sa atin, ang pinakamalaking regalo natin, hindi naman ‘yung mukha kundi ang nasa loob. ‘Yung totoong regalo, ‘yung puso natin,” sambit ng Unkabogable Star. 

Panoorin ang panayam ni Vice kay Janine sa ibaba: 

Matapos magwagi sa “Tawag Ng Tanghalan,” nabigyan ng pagkakataon si Janine na maging host ng online segment ng It’s Showtime.

Kasalukuyang kumukuha ng kursong Communication Arts si Janine sa Philippine Women’s University.