• Home
  • Fresh Scoops
  • Gumawa ng cover ng awiting ‘Best Part’ ni Daniel Caesar ang singer na si Carol Banawa. 

‘Walang kupas’: Carol Banawa, nagpabilib sa pagkanta ng awiting ‘Best Part’

Gumawa ng cover ng awiting ‘Best Part’ ni Daniel Caesar ang singer na si Carol Banawa. 

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/11/2020 09:29 AM
‘Walang kupas’: Carol Banawa, nagpabilib sa pagkanta ng awiting ‘Best Part’
Screenshot from @iamcarolbanawa Instagram

Pinatunayan ng OPM hitmaker na si Carol Banawa na wala pa ring kupas ang kanyang boses nang magpabilib ito sa pagkanta ng sikat na awiting “Best Part.” 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hello everyone ❤️ Hoping you are all safe and healthy! 😘

A post shared by Carol Banawa (@iamcarolbanawa) on


Sa Instagram, nag-post si Carol ng cover ng kantang “Best Part” ng American singer na si Daniel Caesar para sa kanyang “karaoke night.” 

Panoorin ang video ni Carol sa ibaba: 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Another favorite ❤️ #bestpart cover ❤️

A post shared by Carol Banawa (@iamcarolbanawa) on

Samantala, marami naman ang bumilib kay Carol at sinabing wala pa ring kupas ang boses nito pagdating sa kantahan.

READ: Carol Banawa opens up about her biggest fear as a frontliner amid COVID-19 pandemic

Ani ng isang netizen: “Ibang klase ka mahhhh. My ultimate idol since 5 yrs old ako until now.” 

“Wow parang nakikinig ako ng record and galing saka ang clear ng voice. Sarap sa tenga,” saad pa ng isang netizen. 

Hindi ito ang unang beses na nag-post si Carol online ng cover para sa kanyang karaoke night. Kamakailan ay gumawa ito ng cover “What A Beautiful Name” ng Christian group na Hillsong United. 

Nakilala si Carol noong 1994 nang maging bahagi ito ng gag show na Ang TV ng Kapamilya network. Naging parte dito ito ng sikat na teen drama na Tabing Ilog.

READ: Carol Banawa expresses support for ABS-CBN: ‘Ito ang naging tahanan ko’

Bilang isang mang-aawit, ilang sa mga sikat na awitin ni Carol ang “Bakit Di Totohanin” at “Iingatan Ka.” 

Kasalukuyang naninirahan si Carol sa Amerika kung saan nagtatrabaho din siya bilang isang registered nurse. 

Taong 2018 nang grumadweyt si Carol sa Northern Virginia Community College bilang Summa Cum Laude.