PANOORIN: Mimiyuuuh, ipinasilip ang naipundar na bahay 

May sariling pool ang naipundar na bahay ni Mimiyuuuh.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/11/2020 02:20 PM
PANOORIN: Mimiyuuuh, ipinasilip ang naipundar na bahay 
Screenshot from Mimiyuuuh YouTube Channel

Ipinasilip ng sikat na online personality na si Mimiyuuuh ang bahay na naipundar niya para sa kanyang pamilya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

this flex? TOO BIG sa sobrang lit napainom ako ng TUBIG!

A post shared by mimiyuuuh ūü¶Ė (@mimiyuuuh) on


Nabigyan ng pagkakataon ang mga taga-hanga ni Mimiyuuuh na makita ang ilang bahagi ng nasabing bahay sa kanyang bagong vlog kung saan sinagot niya ang animnapu’t siyam na katanugan. 

Makikitang naglilinis si Mimiyuuuh ng kanyang swimming pool at iniikot ang paligid ng kanyang bahay. 

READ: YouTube star Mimiyuuuh, ayaw pasukin ang showbiz

Isa sa mga sinagot na katanungan ni Mimiyuuuh ay  kung paano niya nakikita ang sarili niya sa susunod na sampung taon. 

Living the life,” ani Mimiyuuuh. “Sana ay okay na ang aking buhay and nag-gigive back na ako ten years from now.” 

Pinatunayan din ni Mimiyuuuh kung gaano niya kamahal ang kanyang mga magulang nang sagutin niya ang katanungan tungkol sa bagay na pinakakinakatukan niya. “Siguro ang mawala ang parents ko,” sagot ni Mimiyuuuh. 

WATCH: Mimiyuuuh candidly talks about his sexuality with parents

Hango ang kanyang bagong vlog sa online segment na “73 Questions” ng sikat na American fashion at beauty magazine na `.

Panoorin ang kanyang vlog sa ibaba: 

Kasalukyang nasa listahan ng trending videos sa YouTube ang nasabing vlog ni Mimiyuuuh na nakakuha ng higit sa 360,000 views sa loob lamang ng labing-anim na oras. 

Sa ekslusibong panayam ng PUSH noong Hulyo, inamin ni Mimiyuuuh na hindi niya inaasahan na makakabili na siya ng bahay sa edad na bente tres anyos. 

“Akala ko nga po mga nasa 30s pa ko makakabili ng bahay tapos ayun po, sobrang amazed ako na makakabili na po ako ng bahay for my family,” he said.

READ: Mimiyuuuh on buying a home for his family at 23: ‘Sobrang amazed ako’

Ayon kay Mimiyuuuh, maglalabas siya ng house tour video sa kanyang channel. “House tour real soon,” aniya. 

Ipinanganak bilang Jeremy Sancebuche, nakilala si Mimiyuuuh matapos mag-viral ang kanyang video ng “Dalagang Pilipina” challenge.