• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanawagan si Angelica Panganiban sa ex-boyfriend nitong si John Lloyd Cruz na ‘magpaalam’ sa kanya one last time. 

PANOORIN: Angelica Panganiban, Bela Padilla, at Kim Chiu, sinubukan ang ‘Jojowain o Totropahin’ Challenge

Nanawagan si Angelica Panganiban sa ex-boyfriend nitong si John Lloyd Cruz na ‘magpaalam’ sa kanya one last time. 

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/11/2020 02:32 PM
PANOORIN: Angelica Panganiban, Bela Padilla, at Kim Chiu, sinubukan ang ‘Jojowain o Totropahin’ Challenge
Photo credit: @bela Instagram

Sa isang bagong vlog, sinubukan ng magkakaibigang Angelica Panganiban, Bela Padilla, at Kim Chiu ang “Jojowain o Totropahin” Challenge.

Kabilang sa mga international stars na pinagpilian nina Kim, Bela, at Angelica ang sikat na football player na si David Beckham, Hollywood actor na si Ryan Gosling, at South Korean actors na sina Lee Min-ho, Kim Soo-hyun, Park Bo-gum at Hyun-bin. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Naging sapat ang buhay dahil sa inyo ☀️ #AngBeKiAnniversay


A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Nagkasundo naman sina Angelica, Bela, at Kim na tropahin sina Kim Soo-hyun at Park Bo-gum at jowain ang bida ng sikat na K-Drama na Crash Landing on You na si Hyun Bin. 

“Baby ko ‘yan eh. Aalagaan ko na lang. Totropahin ka na lang,” sambit ni Angelica tungkol kay Park Bo-gum. “Tropa na lang din. Parang baby boy siya eh. Tsaka kay Anne [Curtis] na ‘yan eh,” ani naman ni Bela. 

“Ang dami nating mag-aagawan nito,” ani Kim tungkol kay Hyun-bin. “Sabi ni Son Ye-jin, ‘Wait lang. Pila-pila,’” saad naman ni Bela. 

Nagkasundo din ang tatlo na “tropahin” lang si Zac Efron dahil baka sumakit umano ang ulo nila dahil sa posibiliad na magkaroon umano sila ng maraming kaagaw sa aktor. 

READ: How did Angelica Panganiban's friendship with Kim Chiu and Bela Padilla develop over time?

Samantala, sina Joshua Garcia, Enrique Gil, Zanjoe Marudo, Jericho Rosales, Paulo Avelino, John Lloyd Cruz, at Dingdong Dantes ang ilan sa pinagpilian nilang local stars. Ani Angelica papasa sa kanya bilang jowa si Enrique Gil. 

“Pwede kong jowain ‘yan. Cute face eh. Sorry Liza. Pero bagay na bagay kayo after two lives. [Kasi sa next life] kay Liza pa rin ‘yun. Ike-claim pa rin niya ‘yun. So pagbibigyan ko kayo sa unang dalawang buhay. So sa third life ko baka makipaglabanan na ako. ‘Oh, wait lang, Liza. tama na. Beke nemen,” ani Angelica. 

Nang tanungin tungkol kay John Lloyd Cruz, nagbiro si Angelica at sinabing sana magparamdam ang dati niyang ex-boyfriend. 

READ: Angelica Panganiban, Kim Chiu, and Bela Padilla honor friendship pact during quarantine

“Ba’t nasan ba siya ngayon? Nahanap na ba siya?” biro ni Angelica. “Kung nahanap ka na, baka pwede namang magparamdam ka at magpaalam ka one last time.” 

Panoorin ang vlog ni Kim sa ibaba: 

Samantala, naghanap din ng iba’t-ibang random guys ang magkakaibigan sa Google. May mga celebrities din silang nahanp gaya nina Zayn Malik at Charlie Puth. 

Matatandaang nagpunta kamakailan ang magkakaibigang AngBeKi sa Subic, Zambales upang magbakasyon.