• Home
  • Fresh Scoops
  • Extraordinary ang quarantine love story nina Brian Gazmen at Elha Nympha.

Elha Nympha, inspirasyon ni Brian Gazmen sa bagong awitin

Extraordinary ang quarantine love story nina Brian Gazmen at Elha Nympha.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/11/2020 03:21 PM
Elha Nympha, inspirasyon ni Brian Gazmen sa bagong awitin
Photo credit: @brian_gazmen and @elhamaenymphaofficial Instagram

Matapos aminin ang kanilang relasyon, sinabi ng singer-performer na si Brian Gazmen na hindi pa rin sila nagkikita ng girlfriend na si Elha Nympha.

READ: Elha Nympha, may boyfriend na

“Honestly po, hindi pa rin po kami nagkikita since March po dahil na rin po sa pandemic and we want to be safe. Pero, masaya po kami. Sobrang saya po namin,” tugon pa ni Brian sa PUSH.


Aniya, hindi man nagkita, tuloy naman daw ang discoveries nila ng kapwa singer at girlfriend na si Elha.

“As we progress with our relationship, we learned and learning a lot from each other and we can see po na compatible po kami sa isa’t isa in many ways. Mahilig kami kumanta, mahilig kami mag compose ng song and marinig lang naming boses ng isa’t isa sobrang happy na po namin,” ani Brian.

Kuwento pa ng Brian, hindi rin niya maipaliwanag ang kasiyahan na kaniyang nararamdaman sa almost seven months relationship with Elha.

“Ang gaan sa pakiramdam, sobrang saya and hindi ko po ma explain, Alam ko pong alam ko ‘yung gusto ko explain. Marami po akong words na gusto sabihin na hindi ko ma express, pero mahal ko po siya.”

Kakaiba man ang sitwasyon ng kanilang relasyon ngayon dahil na rin sa pandemya, hindi naman daw papahuli sa pagpapakilig si Brian para sa kaniyang girlfriend.

READ: Exclusive: Brian Gazmen, ibinahagi ang love story nila ni Elha Nympha

“After this pandemic, mayroon po akong special plans, pero gusto ko pong keep muna sa sarili ko dahil gutso ko siyang i-surprise, gusto ko siyang pasayahin.”

Speaking of pagpapakilig, isang awit naman ang sinulat ni Brian na inspirasyon ang kanilang kilig na pagsisimula ni Elha.

“Yes I wrote a song, titled ‘Perfect As You’ and I wrote this song kasi unexpected ang love namin so I decided to write a song for her,” sabi pa ng boyfriend ni Elha.

Dito, napa throwback ng kuwento si Brian sa naging unang pagkikita nila ni Elha.

“We met on the set of ‘Magandang Buhay’ and unexpected na we met each other and I believed in a quote na ‘love will find you and you don’t need to find love’. Kasi hindi naman po ako naghahanap ng relationship at that time and kusa na lang naman po siya dumating. Sobrang saya ko rin po na dumating siya and perfect timing rin po nung dumating siya sa buhay ko. Sabi po niya ‘Perfect’ sobrang ganda daw po actually naiyak po siya nung narinig niya ‘yun,” masayang sambit pa niya sa ating panayam.

Sa huli, thankful rin si Brian sa buong suporta ng kanilang mga kaibigan at mga Kapamilya sa kanilang relasyon.

“Supportive and happy. Kasi before pa naman po naming umamin, alam naman na rin po nila na kami na ni Elha sobrag supportive and masaya sila para sa amin,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, available now in digital streaming platforms ang sinulat na awitin ni Brian na “Perfect As You”.