• Home
  • Fresh Scoops
  • Excited na ikinuwento ni Ryan Cayabyab ang tungkol sa bagong project na ito na nakaka-good vibes lalo na sa panahon ng pandemya.

“Prutas Pilipinas” latest na obra ni Ryan Cayabyan at ng The Company

Excited na ikinuwento ni Ryan Cayabyab ang tungkol sa bagong project na ito na nakaka-good vibes lalo na sa panahon ng pandemya.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/10/2020 07:35 PM
“Prutas Pilipinas” latest na obra ni Ryan Cayabyan at ng The Company
Photo credit to @thecompanysingers on Instagram

Walang kupas at iconic levels na ang kantang “Bahay Kubo” kung saan kasama ang halos lahat ng gulay sa ating bansa at kabisado ng elementary school students mula pa noon. 

Ngayon, susundan ng National Artist for music na si Ryan Cayabyab ang popularity ng kantang ito ng kanyang latest na obra, ang “Prutas Pilipinas”.

Excited si Mr. C na ikinuwento ang bagong project na ito na nakaka-good vibes lalo na sa panahon ng pandemya. 


“Nature, music, and science come together in our song 'Prutas Pilipinas'. What better way to celebrate life than to sing a song about our fruits that give us life!” sabi ng batikang composer.

 

 

Ang The Company ang napili na magbigay ng interpretation sa “Prutas Pilipinas,” na ayon kay Moi Ortiz, ay malaking karangalan sa kanilang grupo.

“'Prutas Pilipinas' is that rare moment in OPM where we get to tick all of the right boxes. This contemporary folk song is entertaining, educational and edifying. Transcending merely sensory enjoyment, this song becomes a pro-active participant in nation-building,” sabi ng The Company founding member.

 

 

Mayroong tatlong versions ang “Prutas Pilipinas” at naka release na ngayon ang first version ng kanta sa Spotify. Ang second version ay magkakaroon ng “bugtungan” na Pinoy na Pinoy ang dating. 

Ang “Prutas Pilipinas” ay nabuo rin sa pakikipag tulungan ng “Locally.”